(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 19 April 2025) Frontal System affecting Extreme Northern Luzon. Easterlies affecting the rest of the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 1.8 meters).


Wednesday, 16 April 2025

Sentro ng Wika, Kultura ng KWF, itinatag sa University of the Assumption 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Itinatag ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa University of the Assumption (UA), ang unang SWK na itinatag sa Lalawigan ng Pampanga.

Dinaluhan nina Komisyoner Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Rev. Fr. Oliver G. Yalung, DL, PhD, Pangulo ng University of the Assumption (UA) ang Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagtatag ng SWK na ginanap sa naturang unibersidad, ang ika-44 na SWK sa Pilipinas na magsusulong, at magtataguyod ng wika at kulturang Kapampangan.

Dumalo rin sa lagdaan sina Dr. Reggie O. Cruz, Komisyoner ng Wikang Kapampangan; Dr. Arnel T. Sicat, Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko ng University of the Assumption; at iba pang opisyal at kawani ng KWF at University of the Assumption.

Ang matagumpay na pagtatatag ng SWK ay naisakatuparan sa inΓ­syatΓ­ba ni Komisyoner Cruz na nagnanais na magkaroon ng komprehensibong pag-aaral at pananaliksik hinggil sa wikang Filipino, kultura, at wikang Kapampangan kabilang ngunit hindi limitado sa paggawa ng diksiyonaryo, pagsasalin, at pagsulat ng mga aklat hinggil sa Araling Kapampangan.

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang bisig ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga rehiyon at lalawigan. Tulad ng ibang mga SWK, inaasahang magiging katuwang ng KWF ang SWK sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto ng komisyon. (KWF/ PIA Caraga)