(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 21 October 2025) At 3:00 AM today, the center of Tropical Storm "RAMIL" was estimated based on all available data at 355 km West Northwest of Dagupan City, Pangasinan or 340 km West of Sinait, Ilocos Sur (17.4°N, 117.3°E), with maximum sustained winds of 65 km/h near the center and gustiness of up to 80 km/h. It is moving Northwestward at 25 km/h. Localized Thunderstorms ang makaapekto sa rehiyon sa Caraga.


Wednesday, 16 April 2025

Tagapangulong Casanova ng KWF, naging panauhing tagapagsalita sa NTC 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagbigay ng mapanghámon at makabuluhang panayam si Komisyoner Arthur P. Casanova, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa National Teachers College (NTC) noong Abril 5.

Dinaluhan ng mga mag-aaral ng medyor sa Filipino ang seminar na may temang "Pag-asa at Pagbása: Ang Papel ng Panitikan sa Pagbuo ng Kamalayang Panlipunan" na bahagi ng pagdiriwang ng NTC ngayong Buwan ng Panitikan 2025 na may temang “SIKAD PANITIKAN: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran.”

Pinangunahan ang seminar ni Marino Crisostomo, tagapangulo, Samahan ng Gabay ng Wika (GAWI) katuwang si Alecxandra Cortez, pangulo ng nabanggit na organisasyong pangwika.

Naniniwala si Casanova na ang mga mag-aaral ng medyor sa Filipino ng NTC ay magiging katuwang ng KWF sa darating na panahon para sa pagtataguyod sa pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Pilipino. (KWF/ PIA Caraga)