Pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng Wikang Kalinga
LUNGSOD NG BUTUAN -- Noong 16-21 Marso, isinagawa ang pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga partikular ang Linubuagen, Linimos, at Minajukayong sa Tabuk, Kalinga. Sa gawaing ito, inalam ang kasalukuyang estado ng paggamit ng mga naturang diyalekto.
Isinapanahon rin ang mga lugar kung saan ang mga ito pangunahing ginagamit, gagamitin ang datos na ito sa pagsasapanahon ng mapa ng wika.
Kinuha rin ang katumbas ng halos 400 batayang salita na gagamiting datos sa pagsusuri ng lexical similarity ng mga diyalekto ng Kalinga at sa iba pang wika na ginagamit ng mga katabing lugar.
Nagsagawa rin ng Recorded Text Testing (RTT) para sa pagsusuri ng mutual intelligibility ng mga diyalekto at sa iba pang wika na ginagamit ng mga katabing lugar.
Pinangunahan ng mga mananaliksik ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) a na sina Lourdes Z. Hinampas, Florencio M. Rabina, at Christian D.S Nayles ang pangangalap ng datos.
Target na makapangalap ng datos sa iba pang diyalekto ng Kalinga sa Abril 2025. (KWF/ PIA Caraga)