(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 16 July 2024) At 3:00 AM today, the Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 310 km East Northeast of Davao City (8.3°N, 128.2°E). Southwest Monsoon affecting the western sections of Southern Luzon and Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to LPA. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to Northwest will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, 14 June 2023

IP communities makikinabang sa itatayong Super Health Center sa Las Nieves

LUNGSOD NG BUTUAN -- Pinangunahan ni Senator Bong Go kasama sina Agusan del Norte Governor Maria Angelica Rosedell Amante, Las Nieves Mayor Karen Rosales at mga lokal na opisyales ang ground breaking ceremony sa Super Health Center na matatagpuan sa Barangay Mat-i sa lungsod ng Las Nieves, Agusan del Norte, na magbibigay ng masmalapit at masmaayos na health care services lalo na sa mga indigenous peoples (IP) communities sa nasabing lungsod.

Ayon kay IP mandatory representative ng Las Nieves, Hawudon Armando Una, makikinabang ang halos sampung barangay ng lungsod na karamihan ay mula sa tribo ng Manobo at Higaonon sa gagawing pasilidad. Nagpasalamat si IPMR Una sa senador na naging instrumento upang maipatayo ito at sa mga lokal ng opisyales upang matugonan  ang mga pangangailan ng mga residente sa lugar lalo na ang mga IPs.

Paliwanag din ni Municipal Health Officer Dr. Rosemarie Dolores Ruela, ang nasabing super health center ay magbibigay din ng mas marami pang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.

Ang probinsya ng Agusan del Norte at kasama ang Butuan City ay may apat na nakalaang super health centers. Ang mga nasabing gusali ay itatayo sa Santiago, Cabadbaran City, Las Nieves at sa Butuan City sa taong ito. 

Ayon kay Senator Go, ang  paglalagay ng mga super health centers ay kanyang prayoridad at target nitong makapagpatayo ng hanggang 322 SHC sa buong bansa sa taong kasalukuyan.

Samantala, sa pagbisita ng senador sa Las Nieves, namahagi din nang cash assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Conflict Situations (AICS) sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development na nagbigay ng saya sa mga 1,500 benepisyaryo nito. 

Nagkatanggap ng tig-P3,000 ang bawat isang benepisyaryo sa Las Nieves na umabot sa P4.5 milyon, at iba pang regalo galing sa senador para sa mga piling indibidwal kagaya ng biseklita, cellphone, bola ng basketball, food packs, at marami pang iba. (NCLM, PIA Agusan del Norte)