(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 24 September 2021) Easterlies affecting Luzon. Localized thunderstorms affecting Mindanao. ACTIVE TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL STORM MINDULLE (2116) LOCATION: 1,890 KM EAST OF SOUTHERN LUZON (14.2°N, 141.7°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 85 KM/H GUSTINESS: UP TO 105 KM/H MOVEMENT: WEST NORTHWEST AT 20 KM/H Caraga Region will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized thunderstorms. Possible flash floods or landslides due to severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from Northeast to Northwest will prevail with Slight to Moderate seas/(0.6 to 2.1 meters).



Wednesday, July 28, 2021

Groundbreaking ng ELCAC infra projects ginanap sa SurSur

By: Nida Grace P. Barcena

LIANGA, Surigao del Sur (PIA) -- Matagumpay na idinaos ang ground breaking ceremony nang proyektong pang imprastraktura na pinunduhan ng National Task Force - End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) sa probinsiya ng Surigao del Sur.

Photo credit to PGO-SDS

Kamakailan lang idinaos sa Sitio Simuwao (Kilometer 9), Barangay Diatagon, sa bayan ng Lianga, ang groundbreaking ng dalawang proyekto na farm-to-market road (FMR) at school building construction na nagkakahalaga ng P18 Milyon at P2 Milyon.

Napag-alaman na mahigit 6,000 mga residente ang makikinabang sa gagawing farm-to-market road samantalang nasa 200 mag-aaral naman ang makikinabang sa itatayong paaralan sa nasabing lugar.

Kinumpirma ni Regional Peace and Order Council Chair (RPOC) at Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na anim na proyekto ang pinunduhan ng NTF-ELCAC para sa limang barangay sa bayan ng Lianga.

Ito ay ang road concreting sa Barangay Bocawe, Barangay San Isidro,
Barangay San Pedro, at Barangay St. Christine, at FMR at construction of school building naman ang sa Barangay Diatagon. Bawat barangay parehong pinunduhan na nagkakahalaga ng P20 milyon mula sa NTF-ELCAC para sa mga proyektong nabanggit.

Una ng isinasagawa ang parehong aktibidad sa tatlong barangay sa bayan ng Tagbina sa Distrito 2 ng probinysa, ang road concreting sa Barangay Doña Carmen, at Barangay Soriano, at FMR naman sa Barangay Ugoban ng nasabing bayan. Bawat proyekto nagkakahalaga ng P20 milyon.

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Caraga Regional Director Lilibeth Farmacion na 60 proyekto ang pinunduhan ng pamahalaan para sa 46 na barangay sa probinsya ng Surigao del Sur. (PIA-Surigao del Sur)