(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 24 July 2024) At 3:00 AM today, the Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 135 km West Southwest of Calapan City, Oriental Mindoro (13.1°N, 120.0°E). Meanwhile, another LPA was estimated based on all available data at 880 km East of Eastern Visayas (11.1°N, 133.8°E). 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Southwest to Southeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, July 21, 2021

Biggest university library ng Mindanao matatagpuan sa Butuan City

LUNGSOD NG BUTUAN (PIA) -- Masayang ibinahagi ni Caraga State University (CSU) president Dr. Anthony M. Penaso ang isang state-of-the-art university library - ang Elisa R. Ochoa learning commons ng university na matatagpuan dito sa lungsod.

Ayon kay Dr. Penaso, ito ay inaasahang makakatulong sa mahigit 2,000 learners sa iba’t ibang panig ng Mindanao maging sa buong bansa at tinaguriang the biggest state university in Mindanao.

Ipinagmamalaki din ni Dr. Penaso ang nasabing university library dahil ito ang unang library sa bansa na may locator maps, automated book drop system at nap pads. May tatlong palapag at iba’t ibang amenities, unique services, coffee shops, decision theater, exhibit area, museum, auditorium, discussion rooms, activity lofts, story telling area at marami pang iba.

Ang university na nagkakahalaga ng mahigit 254 milyong peso at bubuksan sa publiko upang makatulong sa mga pangangailan ng mga learners, may 48 CCTVs at wall of merits kung saan lahat ng mga board of examination topnotchers ng university ay mailagay.

Ang CSU ang kauna-unahang state university ng Caraga region na may mahigit 9,000 mag-aaral kasali na ang mga mag-aaral sa Cabadbaran City, Agusan del Norte campus. (NCLM/PIA Caraga)