(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 27 March 2024) Easterlies affecting the eastern section of the country. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies / Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.


Thursday, June 10, 2021

GECS-MOVE magagamit na ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa Caraga Region

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 10 (PIA) -- Hindi na bago sa mga Caraganon na madalas itong madaanan ng bagyo kada taon. Pinagtibay ito ng mga karanasan kung saan mas lumawak pa kanilang paghahanda sa paglipas ng panahon. Kaya malaking bagay rin ang pagdating sa rehiyon ng Government Emergency Communications System – Mobile Operations Vehicle For Emergency (GECS-MOVE) Project sa pamamahala ng Department of Information and Communications Technology (DICT).


Sa pamamagitan ng GECS-MOVE, mas madaling malaman at makita ang tunay na sitwasyon ng apektadong komunidad tuwing may bagyo o sakuna dahil sa high-tech na communication system nito, at magiging madali ang pagbibigay ng gobyerno ng nararapat na aksyon at tulong sa lugar.

Binigyang-diin ni DICT Undersecretary Alan Silor, ang kahalagahan ng komunikasyon at pagkakaroon ng matibay na telecommunications infrastructure sa tulong ng GECS-MOVE. 


Para kay Office of Civil Defense (OCD)-Caraga regional director at chair ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Liza Mazo, isa itong katuparan sa matagal nang inaasam at hangarin ng RDRRMC na magkaroon ng consolidated communication system para mas maging makabuluhan ang mga ginagawang hakbang at disaster response ng ibat-ibang ahensiya.


Inaasahang makapagbibigay pa rin ng video at image data and mga responders sa ground zero areas sa tulong ng GECS-MOVE Hub. Ang MOVE Motorbike naman ay agad na magagamit para mapuntahan ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng sakuna. 


Sa proyektong ito, kaagapay ng DICT ang World Food Programme (WFP), National Telecommunications Commission (NTC), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at iba pang kinauukulang ahensiya. (JPG/PIA-Caraga)