(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 14 September 2025) Easterlies continue to affect Mindanao. Severe Tropical Storm TAPAH (formerly “Lannie”) – Outside PAR as of 3:00 AM today Location: 910 km west of Extreme Northern Luzon (20.8°N, 113.1°E) Maximum Sustained Winds: 95 km/h near the center Gustiness: Up to 115 km/h Movement: North-northwestward at 15 km/h 🔹 Forecast: CARAGA Region: Cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Easterlies. Moderate to heavy rains may cause flash floods and landslides in some areas. Rest of Mindanao: Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms also due to Easterlies. Winds and Seas: Light to moderate winds from the east to northeast. Coastal waters will be slight to moderate (wave heights: 0.6 – 1.5 meters).


Monday, 8 September 2025

DA-SAAD pinapalakas ang samahan ng magsasaka ng BAFEA  sa pamamagitan ng SocPrep

SURIGAO CITY, Surigao del Norte  -- Ang Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) National Program Management Office (NPMO) sa ilalim ng component na Social Preparation (SocPrep), ay nagsagawa ng limang-araw na rollout sa Bailan Farmer Entrepreneurs Association (BAFEA) sa Brgy. Bailan, Santa Monica, Surigao del Norte, mula Agosto 11 hanggang 15.

Saklaw ng SocPrep rollout ang pagdaraos ng mga capacity-building session para sa mga kawani ng SAAD, partikular sa mga Community Development Officers (CDOs), at pagbisita sa mga magsasaka ng BAFEA bilang pilot beneficiary ng aktibidad. 

Pinangunahan ito ni Marie Abigail G. dela Cruz, SAAD NPMO Social Preparation and Program Management (SPPM) Sub-unit Lead, kasama ang SPPM Sub-unit staff members na sina Jacquelyn M. Rebusit at Engr. Meljun A. Florece.

Layunin nito na kilalanin ang mga karanasan ng grupo simula nang sila ay maging benepisyaryo ng SAAD at suriin ang mga hamon na kanilang kinaharap bilang mga miyembro at opisyal ng kanilang asosasyon. Tiningnan din sa mga pagbisita ang pagpapatupad ng patakaran ng grupo at ang pamamahala sa mga proyektong Goat at Ube Production.

Hinimok at ipinaliwanag ni Jekem D. Sanchez, Senior Agriculturist ng Research Division at SAAD Regional Program Advisory Committee (RPAC) Member, sa mga magsasaka na dapat seryosohin at alagaan ang mga proyekto dahil malaki itong tulong upang makamit ang mga ninanais at plano para sa pag-unlad ng grupo.

Nagpaabot naman ng kanyang mensahe si Ruel, isang miyembro ng nasabing grupo "Kami po ay masayang nagpapasalamat sa DA at ating pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tulong at mga programang aming natanggap para sa aming asosasyon, napakalaking tulong na ito para sa aming pamilya.

Dumalo sa aktibidad si SAAD Regional Lead Nick Bryan Medina, kasama ang RPAC member na si Engr. Claire P. Ilagan, chief ng Agricultural Program Coordinating Office (APCO) sa Surigao del Norte; Santa Monica Municipal Agriculturist Louie Ville O. Lerona; at iba pang kawani mula sa DA-SAAD. (DA-SAAD/PIA Surigao del Norte)