(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 27 December 2025) Easterlies affecting Mindanao. Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms caused by Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to moderate winds from the northeast with slight to moderate seas (0.6 to 2.1 meters). Northeast Monsoon affecting Luzon. Easterlies affecting the rest of the country.


Wednesday, 21 May 2025

Pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng Wikang Kalinga, naisagawa

MANILA -- Naisagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) ang pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga na Binutbut, Guinina-ang, at Finangad noong Abril 21-25, 2025 sa Kalinga. 

Sa gawaing ito, inalam ang kasalukuyang estado ng paggamit ng mga naturang diyalekto. Isinapanahon din ang mga lugar kung saan pangunahing ginagamit at/o sinasalita ang mga diyalekto. 

Sa tulong ng mga impormante naitala ang katumbas ng halos 400 batayang salita na gagamiting datos sa pagsusuri ng leksikal na pagkakatulad (lexical similarity) ng mga diyalekto ng Kalinga. 

Nagrekord din ng mga kuwento na gagamitin sa Recorded Text Testing (RTT) upang masuri ang mutual intelligibility ng mga diyalekto. Gagamitin ang mga nakalap na datos sa pagsasapanahon ng mapa ng mga wika ng Pilipinas.

Pinangunahan ng mga mananaliksik ng (SLAL) na sina Evelyn E. Pateño at Florencio M. Rabina Jr. ang pangangalap ng datos. 

Target na makapangalap ng datos sa iba pang diyalekto ng Kalinga sa Mayo 2025 at makapagsagawa ng balidasyon sa komunidad sa Hulyo 2025. (KWF/PIA Caraga)