(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 30 May 2025) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Easterlies affecting the rest of the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to slight to moderate seas (0.6 to 1.5 meters).


Tuesday, 6 May 2025

New Govt Procurement Act, saklaw ang beneficial ownership upang itaguyod ang patas, pantay na oportunidad sa lahat ng mga bidder

BUTUAN CITY -- Ang New Government Procurement Act (NGPA), na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2024, ay naglalayong labanan ang mga katiwalian sa pamamagitan ng pag-obliga sa pagsisiwalat ng impormasyon ukol sa beneficial ownership sa proseso ng procurement.

Ipinaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary at Government Procurement Policy Board (GPPB) Chairperson Amenah "Mina" F. Pangandaman na sa ilalim ng bagong batas na ito, kailangan isumite ng mga bidder, supplier, manufacturer, distributor, contractor, at consultant ang kanilang beneficial ownership information sa isang online registry na bukas sa publiko. Sa public procurement, ang pagtukoy sa mga beneficial owner ay nakatutulong maiwasan ang mga conflict of interest at monopolya.

"With beneficial ownership, makikita natin, even ng taumbayan, 'yung background ng isang merchant, ng isang company, ng isang bidder, kung ano ba talaga 'yung ginagawa ng company na 'yun. There will be a portal that we will create and it is open to the public, for everyone, to use," ibinahagi ni Sec. Mina sa isang press conference sa sideline ng East Asia and the Pacific International Public Procurement Conference noong Lunes, ika-28 ng Abril.

"Ang malaking bagay na maitutulong po, ang maiiwasan natin ay 'yung monopolistic [practices]. Maiiwasan po, kumbaga, magkakaroon po ng fairness. 'Yan po 'yung bottomline po dito. Magkakaroon po ng equal opportunity – kahit maliit man o malaking korporasyon para sa public procurement na makasali po sila," ani GPPB-Technical Support Office (GPPB-TSO) Officer-in-Charge Maria Dionesia Rivera-Guillermo, na nagpaliwanag sa mga pakinabang ng NGPA.

Sa ilalim ng NGPA, ang beneficial owners ay tumutukoy sa totoong tao na: 1) May tunay na nagmamay-ari ng korporasyon; 2) may malaking impluwensya sa pamamalakad o mga polisiya ng korporasyon; o 3) may ganap o lubos na kontrol sa korporasyon.

"Ano po ba ang mangyayari kapag nakita or nalaman kung sino 'yung beneficial owner participating in the bidding? Meron po tayong conflict of interest permission. Kapag po ang bidder na sumali ay may relasyon within the fourth civil degree of consanguinity doon po sa head of the procuring entities, sa members po ng bank, sa members po ng technical working group, sa consultants po ng procuring agency at doon sa lahat po ng involved sa procurement, disqualified po 'yun," paliwanag ni Procurement Service-DBM (PS-DBM) Executive Director Genmaries Entredicho-Caong.

Bukod sa pagsisiwalat ng beneficial ownership, ang NGPA, na itinuturing na pinakamalaking hakbang sa anti-corruption sa kasaysayan ng bansa, ay pinahuhuasay ang transparency at nagpapalakas ng accountability sa pamamagitan ng pagpapakilala ng pangunahing features tulad ng open contracting, paggamit ng makabagong digital na teknolohiya, at pagsasama ng partisipasyon ng publiko sa proseso ng procurement ng gobyerno. (DBM/PIA Butuan City)