Pampublikong konsultasyon ng ortograpiyang Manuvu Pulangiyan isinagawa
LUNGSOD NG BUTUAN -- Isinagawa nitong Marso 3 ang Pampublikong Konsultasyon ng Ortograpiya ng Mรคnuvu Pulangiyรคn sa Dangcagan, Bukidnon. Dinaluhan ito mga pinuno ng Mรคnuvu Pulangiyรคn mula sa mga bayan ng Kibawe at Quezon, Bukidnon; kinatawan ng Bukidnon State University na sina Dr. Loreta Sol L. Dinlayan Direktor ng Bukidnon Studies Center at Dr. Rodello Pepito, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, at mga mananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino na sina G. Earvin Christian Pelagio at G. Christian Nayles.
Sinimulan ang pagbuo ng Ortograpiya ng Mรคnuvu Pulangiyรคn noong 2024. Pinangunahan ito ni Bae Emelinda Dechos, ang Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Dangcagan at ng KWF.
Sa isinagawang pampublikong konsultasyon, tinalakay ang prosesong pinagdaanan ng Ortograpiya ng Mรคnuvu Pulangiyรคn, at isinapinal ang mga tuntunin at alpabeto nito.
Napagkasunduan ding palitan ang baybay ng pangalan ng kanilang wika sang-ayon sa tuntunin ng binubuong ortograpiya.
Ang pagbuo ng ortograpiya ng mga wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL).
Inaasahang makatutulong ang mabubuong ortograpiya sa kanilang komunidad at magamit bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. (KWF, PIA Caraga)