Panawagan sa paglahok para sa Talakayan sa Salinayan 2025
LUNGSOD NG BUTUAN -- Malugod na binubuksan ng Komisyon sa Wikang Filpino (KWF) ang panawagan sa paglahok para sa Talakayan sa Salinayan 2025 na isasagawa sa darating na Marso 19, 2025 via Zoom.
Ang
programang ito ay isa sa mga gawain ng KWF bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng
Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ngayong 2025.
Pokus ng isasagawang panayam ang kahalagahan ng wastong kaalaman at kabatiran
sa Batas Republika Blg. 9710 o Magna Carta of Women at ilang kaalaman, danas,
at praktika hinggil sa Pagsasalin at Kababaihan sa bansa.
Tatanggap lamang ang KWF ng opisyal na intensiyon sa paglahok hanggang 14 Marso
2025, Biyernes, sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/
Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo sa nakapasok sa limitadong bilag ng inaasahang kalahok sa isasagawang programa. (KWF, PIA Caraga)