KWF, nagsaliksik ng katutubong kaalaman katuwang ang mga Kagan/Kalagan ng Davao Oriental
LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagsagawa ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), sa pamamagitan ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas, ng saliksik para sa korpus at mga katutubong kaalaman katuwang ang mga Kagan/Kalagan noong Pebrero 19–23, 2025 sa Banaybanay, Davao Oriental.
Bahagi ang proyektong ito ng Korpus at Glosaryo ng mga Katutubong Kaalaman na naglalayong matipon ang pasalitang datos at iba’t ibang karunungan ng mga katutubong pangkat ng bansa.
Bago ang pananaliksik, nagkaroon ng lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan (MOA) noong Pebrero 19 ang KWF, pangkat na Kagan/Kalagan, at Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan o National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Lumagda para sa Kagan/Kalagan ang kanilang overall datu na si Edris M. Mamukid at kinatawan naman ni Atty. James Ian A. Generale ang NCIP.
Naging matagumpay ang tatlong araw na saliksik na nilahukan ng mga elder at IP youth ng Kagan-Kalagan. May 681 termino ang nakalap na may kinalaman sa iba’t ibang larang at aspekto ng pamumuhay ng mga Kagan-Kalagan.
NΓ‘sa antas na di-ligtas ang wikang Kagan/Kalagan na sinasalita sa Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao del Sur, kung kayΓ’, maaaring ituring na rin na nanganganib na wika (endangered language). (KWF, PIA Caraga)