(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 15 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, 26 February 2025

Programa sa pagpasigla ng nanganganib na wika sa Aurora, tinalakay sa isang pagtitipon

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nakipagpulong ang mga mananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Lourdes Zorilla-Hinampas at Jeslie Del Ayre-Luza kay Dr. Renato G. Reyes, Pangulo ng Aurora State College of Technology (ASCOT) hinggil sa mga programa sa pagpasigla ng nanganganib na wika sa Aurora. 

Sa kasalukuyan, katuwang ng KWF ang ASCOT, sa pamamagitan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na pinamumunuan ni Prop. Glenda Nad-Gines, sa pagsasagawa ng Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa wikang Alta, na sinasalita ng katutubong pamayanang kultural na Alta sa Brgy. Diteki, San Luis, Aurora.

Ang MALLP ay programang pangwika na nakatuon sa isahang pagtuturo ng wika (one-on-one) ng matatas na tagapagsalita ng wika (master) at isang mag-aaral ng wika (apprentice) na nasa hustong gulang. Layunin nitong madagdagan ang bilang ng nagsasalita ng wikang Alta sa kanilang komunidad. 

Ang Alta ay nasa estado ng Matinding Nanganganib, ibig sabihin ginagamit na lamang ng henerasyon ng matatanda (lola at lolo) ang wika. 

Kasama rin sa pulong sina Dr. Ma. Luz F. Cabatan, Vice President for Academic Affairs at Prop. Angelica A. Vallejo, ang hahalili kay Prop. Nad-Gines bilang Direktor ng SWK ng ASCOT. (KWF/PIA Caraga)