(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 15 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, September 18, 2024

“Layag 2: Forum sa Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Salin” gaganapin ngayong buwan

MANILA -- Pinaanyayahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) and mga sektor na lumahok sa Layag 2: Forum sa Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Salin  na magaganap sa ika-30 ng Setyembre, 2024, Lunes, 1:00-4:00 ng hapon sa pamamagitan ng Facebook Live.  

Pokus ng talakayan ang temang “Pagsusulong ng Batas sa Pagsasalin at Epekto ng AI sa Pagsasaling Filipino” upang matalakay ang mga patuluyang inisyatiba sa pagsusulong ng panukalang batas sa propesyonalisasyon ng mga tagasaling Pilipino; maitaya ang mga epekto ng Artificial Intelligence sa praktika ng pagsasalin sa mga wika sa Pilipinas; at magsama-sama ang mga sambayanan para sa pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Salin. 

Tampok na mga tagapagsalita sina Dr. David Michael San Juan, tagapangulo ng Pambansang Komite sa Wika at Salin-Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura at Dr. Ramon Guillermo, Direktor, Center for International Studies, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. 

Inorganisa ito ng Kasálin Network na binubuo ng mga institusyon at indibidwal na hangaring maorganisa ang mga tagasalin para sa pagkilala at propesyonalisasyon ng pagsasalin sa buong bansa.

Para sa iba pang impormasyon, mag-email sa networkkasalin@gmail.com. (KWF/PIA-Caraga)