6

(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 05 October 2026) Trough of Super Typhoon {CHOI-WAN} affecting Visayas and Mindanao. TC Information TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SUPER TYPHOON CHOI-WAN (2627) LOCATION: 2,605 KM EAST NORTHEAST OF EXTREME NORTHERN LUZON (24.6°N, 146.9°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 195 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 240 KM/H MOVEMENT: NORTHWARD AT 20 KM/H Trough of TC Choi-Wan ang makaapekto sa tibook rehiyon sa Caraga.


Monday, 30 September 2024

KWF maglulunsad ng Aklat ng Bayan

Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Setyembre 26, 2024, 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.

Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren R. Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Y. Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, René Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, Honoré de Balzac, tagasalin, Aileen V. Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin B. Yapan.

Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maáaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na publikasyon@kwf.gov.ph. (KWF/PIA-Caraga)