(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 02 November 2025) At 4:00 AM today, the center of Severe Tropical Storm "TINO" {KALMAEGI} was estimated based on all available data at 430 km East of Guiuan, Eastern Samar (10.8°N, 129.7°E) with maximum sustained winds of 110 km/h near the center and gustiness of up to 135 km/h. It is moving West southwestward at 30 km/h. Shear Line affecting the eastern sections of Northern and Central Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗔𝗙𝗙𝗘𝗖𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠: Severe Tropical Storm "TINO" ang makaapekto sa rehiyon sa Caraga.


Wednesday, 21 August 2024

Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2024, kinilala

Itinanghal si Nell B. Buenaventura na KWF Mananaysay ng Taón 2024 pára sa kaniyang sanaysay na “Pagpopoókang Nasyonal tungong Lokal hanggang Internasyonal: Pedagohiya’t Dihital na Humanidades sa Pagpapasigla ng Wika. Makatatanggap siyá ng P30,000 at karangalang maging “Mananaysay ng Taón,” medalya at plake.

Nagwagî din si Dr. David Michael M. San Juan ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Sipat sa Sitwasyong Pangwika ng Bansa Bílang Lunsaran ng Pagbabalangkas ng Pambansang Planong Salubungan ng Estado-Sentrikong Polisiya at Babá-Taas na Adbokasiya Túngo sa Preserbasyon ng mga Wika sa Pilipinas.” Makatatanggap siyá ng P20,000 at plake.

Hinirang naman si G. Precioso M. Dahe Jr. sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Ang mga Tertulyang Rehiyonal, Mga Kag-Lambaga hinggil sa Katutubong Wika: Ang Preserbasyon at Pagbuo ng Modernong Espasyo mula sa Guho ng Babel.” Makatatanggap siyá ng P15,000 at plake.

Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay taunang gawad ng KWF para sa pinakamahusay na sanaysay hinggil sa mga pilî at napapanahong tema. Sa pamamagitan ng timpalak na ito, naitatanghal ang Filipino bílang wika ng saliksik.

Ang mga nagwagi ay gagawaran sa KWF Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024. (KWF/PIA-Caraga)