(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 14 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Monday, 31 July, 2023

Magsasaka, mamimili pinagbuklod sa Agnor Tabo Farmers Kadiwa

LUNGSOD NG BUTUAN -- Bilang tugon ng probinsya ng Agusan del Norte sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng sapat at murang pagkain ang mga Pilipino, inilunsad ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa probinsya sa pamamagitan ng ‘Agnor Tabo Farmers Kadiwa’ kung saan mga produktong agricultural kagaya ng gulay, prutas, bigas at maging aquatic at piling livestock products ang pwedeng bilhin sa Agusan del Norte Provincial Capitol Park sa Butuan City. May mga produkto ding paninda ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Mula sa iba’t ibang lungsod sa Agusan del Norte, dala-dala ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto at masaya silang naibenta ito. Masaya sila dahil sa kadiwa sigurado din silang maibenta ang kanilang produkto at kikita sila dito.

Makikita din sa kadiwa ang iba’t ibang produkto na gawa ng mga agusanons, ayon kay anthony mojar, presidente ng innovative producers association of agusan del norte, inc., malaking tulong ang kadiwa dahil isa itong platform upang ma-promote ang kanilang mga produkto at magkaroon ng kita ang apa’t napung (40) myembro nito.

Sa kadiwa ayon kay Ruel Pedroza, isa sa mga bumisita at bumili, nakamura kana at makakatipid kapa kompara sa ibang bilihin sa merkado. 

Hinikayat din ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng mga local government units na magkaroon ng kadiwa sa kanilang mga lugar. Ayon kay DILG Caraga OIC-Regional Director Engr. Donald Seronay, isa itong paraan upang may mabilhan ng presko at murang paninda.

Ang Agnor Tabo Farmers Kadiwa sa probinsya ng Agusan del Norte ay isang market linkage platform sa mga magsasaka at mamimili. Ito ay ginagawa satuwing huling Huwes at Byernes buwan-buwan sa Provincial Capitol Park. (NCLM, PIA Agusan del Norte)