(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 09 November 2024) At 3:00 AM today, a Low Pressure Area was located based on all available data at 1,150 km East of Southeastern Luzon, (14.5°N, 115.8°E) TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TYPHOON YINXING (2422) (FORMERLY MARCE) LOCATION: 500 KM WEST OF LAOAG CITY, ILOCOS MORTE (18.6N, 115.8E) MAXIMUM SUTAINED WIND: 155 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 190 KM/H MOVEMENT: WEST NORTHWESTWARD AT 20 KM/H. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from NorthEast to North will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, June 28, 2023

Drug pusher timbog sa kampanya laban sa iligal na droga sa AgSur

PROSPERIDAD, Agusan del Sur -- Sa isinagawang buy-bust operation kumakailan lang ng mga kapulisan ng Agusan del Sur sa pamumuno ni Police Colonel Jovito Canlapan, provincial director, ito ay nagresulta sa pagkaaresto sa isang drug personality-pusher sa lungsod ng Loreto,  probinsya ng Agusan del Sur.

Kinilala ni PCol. Canlapan ang suspetsado na 23 taong gulang, may live-in partner, laborer at residente ng Purok-2, Barangay Wasian, Rosario, Agusan del Sur.

Nagsagawa ng operasyon sa kampanya laban sa iligal na droga ang mga tauhan ng Loreto Municipal Police Station (MPS) bilang lead unit at Agsuan del Sur Provincial Intelligence Unit (ADSPIU) sa pamamagitan ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nabanggit na suspek at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na bagay:

a. Tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.10 gramo at tinatayang street market value na P680;

b. Isang piraso ng blue lighter; 

c. Isang piraso na nakatiklop na aluminum foil strips; at

d. Isang piraso ng P1,000 bill na may serial number AL897528 at hinihinalang buy-bust money.

“Kami ay nangangako na gagawin ang lahat ng aming makakaya, upang masugpo ang iligal na droga at anumang kriminalidad sa ating pinakamamahal na lalawigan,” saad ni PCol. Canlapan. 

“Lubos ang aking pagkilala at pasasalamat sa ating mga kapulisan sa Loreto MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCpt. Allan Roy Villegas at ADSPIU sa ilalim ni PLtCol. Gauvin Guanzon, ipagpatuloy ang pagpapakita ng tapang, integridad, at dedikasyon sa pagsugpo sa problema ng ilegal droga. Sa inyong pagsisikap, may malaking posibilidad na malalampasan natin ang mga problemang dala ng ipinagbabawal na gamot at magbibigay daan para sa isang mas ligtas na lipunan,” dagdag pa Canlapan. 

Para sa karagdagang pagkakakilanlan sa taong naaresto, maaari kang makipag-ugnayan sa hotline numbers ng Loreto MPS na 09125203104, dahil pinahahalagahan namin ang pangunahing tuntunin na ang isang akusado ay dapat ituring na inosente hanggang sa ang kanyang pagkakasala ay mapatunayan nang walang makatwirang pagdududa sa harap ng korte.

Ito ay naaayon sa process excellence perspective ng PNP P.A.T.R.O.L. Plano 2030 sa ilalim ng layunin sa pagpapabuti, pag-iwas at maagarang paglutas ng mga krimen. (ADSPPO/PIA-Agusan del Sur)