(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 13 September 2024) Southwest Monsoon affecting Southern Luzon, Visayas, and Mindanao. Trough of Severe Tropical Storm (BEBINCA) affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Strong winds coming from Southwest will prevail with moderate to rough seas (2.8 to 3.7 meters).


Monday, January 16, 2023

149 ARBs sa Agusan del Sur tatanggap ng titulo ng lupain mula sa DAR

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nasa isang-daan at apatnaput-siyam (149) na Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang napili ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makatanggap ng mahigit 3,000 ektaryang lupang may nakatanim nang palm oil tree.

Maghahati-hati sa apat na raang (400) ektaryang lupain ang mga miyembro ng ndc-guthrie plantations incorporated o ngpi-abalayan group o mas kilala na ngayong maligaya Agrarian Reform Beneficiaries’ Cooperative (MAARBCO).

Inaasahang makatatanggap ng titulo ang mga benepisyaryo ngayong buwan ng Enero. Sa ilalim ng administrayon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., unang pagkakataon itong maibahagi sa mga benepisyaryo ng probinsya.

“Malaki ang aming pasasalamat dahil sa mahigit walong taong paghihintay, pinakinggan rin ang aming panalangin na maging maayos at maibigay sa amin ang nararapat na ayuda o tulong mula sa DAR. Pasalamat din kami sa ating presidente dahil nakita namin na isa sa mga priority niya ay ang matulungan kaming mga magsasaka at Agrarian Reform Beneficiaries,” saad ni Jessie Omamalin, vice chairperson ng Abalayan Group/ MAARBCO.

Isa rin itong biyaya para kay Fidel Trillana, kabilang sa mga ARBs. “Hindi namin ito inasahan dahil dati ang amin lang ay ang maging miyembro at makapagbayad ng koleksyon kada taon, at ngayon ay nabigyan kami ng pagkakataong makapag-may ari ng sarili naming lupa,” banggit niya.

“Sa ilalim ng NGPI Coop, kami ang kauna-unahang coop na nabigyan ng lupa mula sa DAR. Kada taon mayroon naman kaming budget para sa maintenance para mapaayos din ang kalsada at iba pang kakailanganin ng aming organisasyon. Maraming salamat sa DAR at sa iba pang ahensya,” dagdag ni Metodio Abalayan, ARB mula Agusan del Sur.

Ayon kay DAR Agusan del Sur Provincial Director Jamil Amatonding, Jr., magpapatuloy ang tulong ng ahensya para sa mga ARBs upang mas lalo pang lumago ang kanilang sakahan sa kani-kanilang sariling lupain.

“Maituturing na ‘sold’ na sa grupong ito ang lupa at hihintayin na lang nila ang kanilang titulo. Sa buong Pilipinas, ito pa lang ang na-issuehan o nafundingan para sa survey activities,” ani Dir. Amatonding. (JPG/Bryan Galaraga/PIA-Agusan del Sur)