(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 12 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Thursday, December 1, 2022

Mga kawani ng CHR caraga, natuto ng basic Filipino sign language

Ni Jennifer P. Gaitano 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagtapos sa dalawang buwang pagsasanay sa Filipino Sign Language (FSL) ang mga kawani ng Commission on Human Rights (CHR) Caraga sa tulong ng Agusan National High School (ANHS) at Butuan Deaf Association (BDA).

Sa culmination activity na nataon sa commemoration ng Deaf Awareness Week na ginanap sa isang mall sa Butuan City, ipinakita ng mga kawani ng CHR Caraga ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng pag-interpret ng sayaw gamit ang sign language. 

Isa si Ace Jefferson Labita, Special Investigator ng CHR Caraga sa mga kalahok at siyang naging valedictorian sa nasabing pagsasanay. 

Sa kanyang mensahe, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa mga lecturers maging sa mga estudyante na kabilang sa deaf community dahil sa kanilang pagta-tyaga sa pagtuturo at pag-gabay, at sa oportunidad na matuto ng basic sign language.

Ayon kay Atty. Aurora Luanne Cembrano-Ramos, Regional Director ng CHR Caraga, mahalaga na maging inclusive ang ipinapatupad na mga programa at serbisyo ng gobyerno at makinabang dito ang persons with disabilities o taong may kapansanan. 

Sa pagkakaroon aniya ng kasanayan sa sign language, mas magiging madali ang komunikasyon ng bawat ahensya at mga kliyente nitong may kapansanan lalo na ang mga bingi at pipi.

“Napapanahon na para tayo po sa gobyerno ay magkaroon ng mas epektibong mekanismo na inclusive para sa lahat ng sektor kabilang na ang ating mga Persons with Disabilities o PWDs,” ani Atty. Ramos.

Samantala, nanawagan din si Christine Podadera, Special Education Teacher ng ANHS sa mga ahensya ng pamahalaan na maging sensitibo at maging maayos sa pagbibigay serbisyo sa mga PWDs. 

“Hindi man magiging madali ang pagiging hasa at sanay sa paggamit ng sign language pero mas maigi pa ring may alam tayo sa paggamit nito sa ating pakikipag usap sa mga PWD lalo na sa mga bingi at pipi,” banggit ni Podadera.

Lumagda rin sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang CHR Caraga kasama ang ANHS at BDA upang maipagpatuloy ang pagsagawa ng training sa FSL hanggang sa susunod pang tatlong taon. (JPG/PIA-Caraga)