TWMC kinilala ang mga stakeholders sa kanilang kontribusyon sa Taguibo watershed
LUNGSOD NG BUTUAN -- Apat na mga stakeholders ang binigyan ng plaque of recognition ng Taguibo Watershed Management Council (TWMC) sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources Caraga region dahil sa kanilang kontribusyon upang mapanatiling malinis at maprotektahan ang Taguibo River, ang isa sa mga water sources ng Butuan City, parte ng Agusan del Norte at Agusan del Sur.
Kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ay ang Butuan City Water District (BCWD), Barangay Anticala, AntiCala Pianing Tribal Organization, at Barangay Pianing.Si kagawad at chair ng committee on environment Danilo Dandanon ng Barangay Anticala ay masaya dahil binigyan sila ng pagkilala kahit paman sa akala nilang parte na ng kanilang responsibilidad na protektahan ang kalikasan lalo na ang Taguibo River Water Resource. Gayundin si forester Ernie Ruiz ng BCWD, anya ang kanilang ahensya ay patuloy na nagsasagawa at nagpapatupad ng mga programa maging mga proyekto at reforestation upang mapanatiling maayos ang watershed.
Ayon din kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Forester Achilles Anthony Ebron, ang pagbibigay pagkilala ay isa lamang paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang kanilang kooperasyon, pagprotekta sa kalikasan at maingganyo din ang iba pang mga stakeholders upang gawin din ito.
Dahil sa kontribusyon ng mga stakeholders ay naisama ang Taguibo River sa top 3 sa Recognizing Individuals/Institutions Towards Vibrant and Enhanced Rivers o RIVERs for Life Awards sa taong 2021. (NCLM/PIA Agusan del Norte)