(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 17 July 2025) As of 3:00 AM today, the center of Tropical Depression “CRISING” was located at 530 km east of Juban, Sorsogon (13.0°N, 128.9°E). It has maximum sustained winds of 55 km/h near the center and gustiness of up to 70 km/h. It is moving west-northwest at 15 km/h. Tropical Depression Crising is currently affecting Dinagat Islands and Surigao del Norte, while the Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect the rest of Mindanao. Dinagat Islands and Surigao del Norte will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to TD Crising. Flash floods or landslides are possible during moderate to at times heavy rainfall. Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, and the rest of Caraga will have cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms caused by the Southwest Monsoon. The rest of Mindanao will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms, also due to the Southwest Monsoon. Winds will be moderate from the southwest to west, with moderate seas (wave height: 1.2 to 2.5 meters).


Wednesday, June 15, 2022

Mataas na kalibre ng baril at mga pampasabog ng NPA, nakumpiska ng kasundaluhan sa Surigao Norte

GIGAQUIT, Surigao del Norte -- Isang sagupaan ang naganap sa pagitan ng mga kawani ng 30th Infantry Battalion (30IB) at teroristang grupo ng New People's Army o mga NPA sa bulubunduking bahagi ng Sitio Tigbao, Barangay Balite, San Francisco, Surigao del Norte nitong umaga ng ika 14 ng Hunyo 2022.

Nangyari ang nasabing bakbakan pagkatapos makatanggap ng ulat mula sa mga sibilyan tungkol sa presensya ng armadong grupo na nagsasagawa ng pananakot at pangingikil sa nasabing lugar.

Rumesponde ang kasundaluhan mula sa 30IB pagkatanggap sa nasabing ulat at habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa komunidad upang kumpirmahin ang nasabing sumbong ay pinaputukan sila ng mga NPA na pinaniniwalaang grupo ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) 16B ng Guerilla Front (GF) 16 ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na pinamumunuan ni Pablo Logatiman o mas kilala bilang alias "Lucas" at agad gumanti ng putok ang mga kasundaluhan na nagresulta sa tatlumpung minuto na bakbakan. 

Agad din namang tumakbo papalayo ang mga armadong NPA dala ang kanilang sugatan na kasama at nakumpiska ang isang M16 na baril, dalawang ilegal na pampasabog, 195 na iba't-ibang uri ng bala ng baril, mga personal na kagamitan, mga subersibong dokumento, dalawang poncho tent, tatlong backpacks, mga kagamitang pang-medisina, kalahating sako bigas, siyam na pirasong baterya, isang electrical tester, at dalawang rolyo ng electric wire.

Samantala, nagpadala agad ang Philippine Air Force ng dalawang 520MG Attack Helicopters upang tutulong sa mga napasabak sa bakbakan na tropa ng pamahalaan. Walang nasaktan sa mga kasundaluhan sa nangyaring engkwentro. 

Matatandaan na nitong Enero 24, 2022 nang magsimulang magkaroon ng Community Support Program (CSP) sa Barangay Balite. Dahil dito ay naging mabilis ang aksyong pangseguridad sa komunidad, ang mga mamamayan ay nagdeklara din ng pagbawi ng suporta sa mga armadong grupo ng NPA. Ito ay dahil ayaw na din ng mga tao ng kaguluhan.

Ayon sa pahayag ni Lt Col Ryan Charles G. Callanta, ang pinuno ng 30IB, lubos ang kanyang pasasalamat sa ibinigay na tiwala at suporta ng mga sibilyan,

“Nagpapasalamat kami sa tiwala at suporta ng mamamayan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa presensya ng armadong grupo dahil sa kanilang pakikipagtulungan at kooperasyon sa ating kampanya laban sa terorismo. Ito ay nagpapakita lamang na ayaw na nila ng kaguluhan at pang-aabuso sa pamamagitan ng ekstorsyon at pananakot," ani ng opisyal. 

“Muli kaming nananawagan sa mga natitirang miyembro ng NPA na sana'y pakinggan nila ang hinaing ng kanilang pamilya na bumalik na sa kanilang piling at mamuhay ng tahimik," dagdag pa niya. (1LT Benjamin Elisand De Dios (OS) PA, 30th Infantry Battalion/PIA-Surigao del Norte)