(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 09 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Tuesday, May 31, 2022

Kababaihang Manobo sa Agusan del Norte, ibinahagi ang kanilang mayamang kultura, sining at pagawa ng mga basket

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Caraga at National Museum Eastern-Northern Mindanao Regional Museum sa lungsod ng Butuan, tinuruan ang mga estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan kung paano isinasagawa ng mga kababaihang Manobo ang kanilang mga basket na kanilang kabuhayan. 

Napukaw ang interes ng mga mag-aaral sa paghabi ng mga basket habang ipinapakita ng mga kababaihang Manobo ang bawat hakbang sa pagawa nito. 

Sina Bae Mila Leorna, Bae Cleofe Austral, at Bae Leonida Rebollo ang nagsilbing mga  kinatawan ng tribong Manobo sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) 092 Puting Bato ng Cabadbaran City.

Ipinagmalaki naman ng estudyante na si Juvy Ann Leorna, na laking Manobo rin, ang mayamang kultura at tradisyon ng kanilang tribu. 

Ayon kay Leorna, masaya siya at nagkaroon sila ng pagakakataong maibahagi ang kanilang sining sa ibang tao, at umaasa siyang marami pang kabataan ang gustong matuto ng paghahabi at  maging ang pagawa ng iba pang arts and crafts ng IP community.

"Mahalaga ang ganitong pagtitipon kung saan naibabahagi ng tribung Manobo ang aming kultura, tradisyon at livelihood. Malaki ang naging epekto ng pandemic sa aming kabuhayan doon sa aming lugar, kaya sana ay suportahan nyo po ang IP community,” ani ni Leorna.

Nanawagan naman si Dr. Randy Rosas, Development Management Officer V at acting chief ng admin and finance ng NCIP Caraga sa publiko na maging culture-sensitive. 

Nararapat lamang na bigyang-halaga ang kontribusyon ng mga IP sa pag-unlad ng bawat komunidad.

"Ating igalang at irespeto ang karapatan at kapakanan ng mga IPs. Huwag po natin silang maliitin dahil marami po silang pwedeng maitulong at maiambag sa pag-unlad ng ating bayan,” dagdag pa ni Rosas. (JPG/PIA-Caraga)