(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 04 November 2024) Easterlies affecting the eastern sections of Luzon and Visayas. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to North will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).


Thursday, May 26, 2022

Mga sundalong pinarangalan ng bagong antas at mga nag retiro sa serbisyo, binigyan ng pagpupugay

GIGAQUIT, Surigao del Norte -- Isang espesyal na seremonya ang naganap nitong ika-13 ng Mayo 2022 sa himpilan ng 30th Infantry Battalion (30IB), Philippine Army, upang bigyan ng parangal ang mga sundalong napromote sa mataas na antas at pagpupugay para sa mga sundalong magreretiro na sa kanilang pagserbisyo sa bayan.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Lt Col Ryan Charles G. Callanta, battalion commander ng 30IB, na idinaos upang bigyang parangal ang 12 kawani na napromote sa mataas na antas bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at taos-pusong paglilingkod bilang sundalo. Sa kaparehong kaganapan, binigyan din ng pagpupugay ang limang sundalo na nagretiro na sa tungkulin at serbisyo na nag-alay ng mahabang panahon bilang isang tapat na tagapagtanggol ng kapayapaan.

Isa sa magreretiro ay si SSg Mandhi S. Tanjing, ang pinakamatagal na nagretiro sa grupo. Labis siyang nagpapasalamat sa mahigit 23 taon na pagserbisyo sa bayan.

"Labis akong nagpapasalamat sa ating Panginoon, dahil sa loob ng 23 taon na pagseserbisyo, ako'y kanyang iningatan at ginabayan. Nagpapasalamat din ako sa mga naging kasamahan ko sa 30IB at sa mga opisyales sa tulong na kanilang ibinigay para makaabot ako sa ganitong sitwasyon," ani ni Tanjing.

Inihayag din ni Lt Col Callanta ang kanyang pasasalamat sa serbisyo na ibinigay ng mga nagretiro at nagbigay bati din siya para sa mga sundalo na nakatanggap ng mataas na antas.

"Ikinagagalak kong batiin ang ating mga kasamahan na nabigyan ng panibagong antas sa kanilang serbisyo. Isa ito sa bunga ng inyong pagpapakita ng maayos na paglilingkod at sakripisyo sa ating bansa. Nawa'y magsilbi din itong inspirasyon sa ating mga kapwa sundalo na nagnanais magkaroon ng panibagong antas at pagbutihin pa ang ating trabaho," giit ng pinuno ng 30IB.

"Sa ating magigiting naman na mga magreretiro sa serbisyo, nagpapasalamat kami sa inyong kagitingan at sakripisyo sa ating bansa. Nawa'y magsilbi din kayong inspirasyon sa mga nakababata pa nating kasamahan at patuloy na pagbutihin ang ating paglilingkod sa bayan," dagdag niya. (30th Infantry Battalion, PA/PIA-Surigao del Norte)