(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 24 November 2025) At 3:00 AM today, the center of Tropical Depression "VERBENA" was estimated based on all available data at 345 km East of Surigao City, Surigao del Norte (9.5°N, 128.6°E) with maximum sustained winds of 45 km/h near the center and gustiness of up to 55 km/h. It is moving Westward at 30 km/h. Shear Line affecting the eastern section of Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern and Central Luzon. Tropical Depression "VERBENA" ang makaapekto sa rehiyon sa Caraga.


Friday, Apri 8, 2022

 

SurSur nanguna sa tala ng fully-vaccinated population kontra COVID-19 sa Caraga

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Nangunguna ang lalawigan ng Surigao del Sur sa limang probinsya sa rehiyon ng Caraga sa porsyento ng mga indibidwal na fully-vaccinated kontra COVID-19, batay sa ulat na ipinalabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) noong Abril 3.

Sa inilabas na report ng DOH-CHD sa Caraga, sa target nitong 80% ng populasyon, nanguna ang Surigao del Sur sa antas ng mga probinsya na may 69.81% ang fully-vaccinated. 

Sumunod naman dito ang Agusan del Norte na may 66.85%; Agusan del Sur na may 64.06%; Surigao del Norte na may 62.63%; at ang Probinsya ng Dinagat Islands na may 54.93%.

Sa antas naman ng mga lungsod sa rehiyon, nanguna ang Butuan City na may 78.62% ang fully-vaccinated. Sinundan ito ng Tandag City sa Surigao del Sur na may 77.33%; Cabadbaran City na may 75.28%; Bislig City, Surigao del Sur na may 68.94%;  Surigao City na may 61.58%; at Bayugan City na may 61.40%.

Samantala, isinailalim na ngayon ang Surigao del Sur sa Alert Level 1. Bagamat naibaba na ang alert level status sa buong probinsya, patuloy na isinasagawa ang pagbabakuna kontra COVID-19. (NGPB/PIA-Surigao del Sur)