(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 09 September 2024) Southwest Monsoon affecting Central Luzon, Southern Luzon, and Visayas. Trough of Super Typhoon {YAGI} (formerly "ENTENG") affecting Extreme Northern Luzon. Southwest Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SUPER TYPHOON YAGI (2411) LOCATION: 825 KM WEST OF NORTHERN LUZON (19.2°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 195 KM/H GUSTINESS: UP TO 240 KM/H MOVEMENT: WESTWARD AT 20 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from South to Southwest will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, February 16, 2022

Iba’t-ibang sektor nagtulungan para matiyak na may sapat na supply ng dugo sa PRC

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahigpit man ang health protocols na ipinatutupad dahil sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) pandemic, hindi pa rin pinalampas ng iba’t-ibang sektor ang pagkakataong makapag-donate ng dugo para makatulong sa mga may sakit at nagpapagaling sa mga ospital.

Sa pangunguna ng Philippine Red Cross (PRC) Agusan del Norte-Butuan City Chapter, naging makabuluhan ang pagtitipon ng iba't-ibang sektor sa bloodletting activity kung saan umabot sa 185 katao ang nakapag-donate ng dugo.

Kabilang si Rex Macadangdang sa mga kabataang aktibong sumama sa masayang bloodletting activity dahil sinamahan pa ito ng mga entertainment performances.

"Malaking tulong nito sa pagtiyak na mayroon tayong sapat na suplay ng dugo sa Red Cross at hindi na pahirapan para sa mga nangangailangan. Maganda rin ang naidudulot nito sa ating katawan,” ani ni Macadangdang.

Binigyang-diin din ni Israel Palero, station manager ng dxMB-95.1 Love Radio Butuan na bagamat may pandemya, hindi pa rin nawala sa mga Butuanon ang pagmamalasakit sa kapwa at agad itong tumugon sa panawagan ng Red Cross ng sapat na suplay ng dugo.

Ayon kay Christopher Joy Ampoon, blood bank in-charge ng Philippine Red Cross sa lungsod, pangatlong taon na nila itong isinasagawa.

“Tayo ay nagpapasalamat sa lahat ng nag-donate ng kanilang dugo para makatulong sa kapwa at makasagip ng buhay. Sana ay maging regular na ito sa atin na may mag-dodonate ng dugo para sa mga nangangailangan,” pahayag ni Ampoon. 

Lahat naman ng nag-donate ng kanilang dugo ay tumanggap ng souvenir at certificate mula sa organizer. (JPG/PIA-Caraga)