(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 19 April 2024) Easterlies affecting the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.1 meters).


Monday, February 28, 2022

NPA na nasawi sa bakbakan, nabigyan ng maayos na libing 

GIGAQUIT, Surigao del Norte -- Ilang araw pagkatapos ng sagupaan ng kasundaluhan ng 30th Infantry Battalion at mga armadong grupo ng New People’s Army o mga NPA nitong ika-10 ng Pebrero 2022 ay inihimlay na sa libingan ng Brgy. Pungtod, Alegria, Surigao del Norte ang namatay na miyembro ng NPA nitong ika-13 ng Pebrero 2022.

Pagkatapos ng sagupaan, iniwan ng mga dati niyang kasamahan si Alyas Kenzo sa pinangyarihan ng bakbakan at kung saan siya natagpuan ng mga tropa ng 30IB. Kung kaya agad din itong kinuha at dinala sa may pinakamalapit na punerarya sa Alegria upang mabigyan ng maayos na burol habang hinihintay ang pamilya o kakilala nito na siya ay maiuwi.

Si Alyas Kenzo ay dating miyembro ng Platoon 16C1 ng Guerilla Front 16, North Eastern Mindanao Regional Committee na pinamumunuan ni Roel Neniel o mas kilala bilang Alyas Jacob. Napag-alaman din na tubong San Miguel, Surigao del Sur si Alyas Kenz. Ngunit ilang araw na ang nakalipas mula noong dinala ng 30IB ang kanyang bangkay sa Gades Funeral Home Service sa Brgy. Pungtod, Alegria pero wala pang kumuha nito kaya napagdesisyunan na ihimlay na sa libingan ng nasabing barangay ang nasawing rebelde sa tulong na din ng lokal na pamahalaan at kapulisan ng Alegria.

Sa pahayag ni Lt. Col. Ryan Charles Callanta, pinuno ng 30IB, inihayag niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawing NPA. 

“Nakakalungkot man isipin na may isang buhay muli ang nasayang dahil sa maling paniniwala ay patuloy pa rin natin gagampanan ang sinumpaang tungkulin na pangalagaan at protektahan ang ating bayan. Kung kaya patuloy nating hinihikayat ang mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na bumalik at sumuko na bago pa mahuli ang lahat,” dagdag niya. (30IB, PA/PIA-Surigao del Norte)

#PhilippineArmy                                                                                                                                #ParaSaBayan                                                                                                        #ServingthePeopleSecuringtheLand