(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 18 September 2024) At 3:00 AM today, the center of Tropical Storm "HELEN" {PULASAN} was estimated based on all available data at 1,155 km East of Extreme Northern Luzon (22.3°N, 132.9°E) with maximum sustained winds of 85 km/h near the center and gustiness of up to 105 km/h. It is moving West Northwestward at 25 km/h. Southwest Monsoon affecting Southern Luzon, Visayas, and Mindanao. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION (formerly "GENER") LOCATION: 405 KM WEST OF BACNOTAN, LA UNION (17.2°N, 116.6°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: WEST NORTHWESTWARD AT 25 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from South to Southwest will prevail with Moderate to Rough seas (2.1 to 3.5 meters).


Tuesday, January 18, 2021

Armas at iba pang mga gamit pangdigma nasamsam sa sagupaan ng militar at NPA sa Surigao Norte

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte -- Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan ng 30th Infantry Battalion (30IB), Philippine Army, at New People’s Army o mga NPA sa bulubundukin bahagi ng Barangay Motorpool, Tubod, Surigao del Norte nitong ika-16 ng Enero 2022 kung saan nagresulta ito ng pagkarekober ng isang mataas na kalibreng armas ng mga armadong NPA at iba't ibang kagamitan.

Bago ang nasabing engkwentro, nakatanggap ang kasundaluhan ng sumbong mula sa mga sibilyan hingil sa presensya ng armadong grupo na nangingikil at nananakot sa komunidad.

Ang mga nasabing armadong grupo ay napag-alaman na miyembro ng pinaghalong Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) 16C1 at 16C2, Guerilla Front (GF) 16 North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na pinamumunuan nina Alberto CastaΓ±eda alias "JD" at Roel Neniel alias "Jacob".

Bilang tugon sa nasabing sumbong agad nagplano ang kasundaluhan ng 30IB upang kumpirmahin ang nasabing balita kung kaya habang nagsasagawa ng security patrol ay agad pinaputukan ng mga armadong grupo ang mga tropa ngunit agad nakaganti ang mga kasundaluhan ng putok kung saan tumagal ito ng 15 minuto.

Pagkatapos ng sagupaan, matagumpay na nakuha ang isang AK47 Rifle, 11 magazines na naglalaman ng mga bala, 182 bala ng AK47 at 376 bala ng M16, isang rifle grenade, limang 40mm live rounds, dalawang set ng IEDs o pampasabog na may kasamang blasting caps, anim na backpack na may mga pansariling kagamitan, iba't-ibang dokumento at mga pagkain at medisina.

Sa pahayag ni Lt. Col. Ryan Charles G. Callanta, pinuno ng 30IB, taus-pusong nagpapasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan laban sa terorismo. 

“Sa ating mga kababayan, kami ay lubos na nagpapasalamat dahil sa patuloy na pagsuporta niyo laban sa terorismo. Patuloy lamang po kayong magtiwala na aming gagampanan ang aming tungkulin lalo na po ngayon na humaharap tayong lahat sa pagsubok. Hindi po namin hahayaan na mapagsamantalahan ang ating kababayan at gamitin para sa kanilang pansariling pangangailangan. Asahan niyo po na patuloy namin poprotektahan ang komunidad at sisiguraduhin na maibigay sa kanila ang tulong na kanilang kailangan,” dagdag niya.  (2Lt. Benjamin Elisand De Dios, 30IB/PIA-Surigao del Norte)