(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 09 September 2025) Easterlies continue to affect Mindanao. Severe Tropical Storm TAPAH (formerly “Lannie”) – Outside PAR as of 3:00 AM today Location: 910 km west of Extreme Northern Luzon (20.8°N, 113.1°E) Maximum Sustained Winds: 95 km/h near the center Gustiness: Up to 115 km/h Movement: North-northwestward at 15 km/h 🔹 Forecast: CARAGA Region: Cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Easterlies. Moderate to heavy rains may cause flash floods and landslides in some areas. Rest of Mindanao: Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms also due to Easterlies. Winds and Seas: Light to moderate winds from the east to northeast. Coastal waters will be slight to moderate (wave heights: 0.6 – 1.5 meters).


Monday, January 24, 2022

Gender-based violence sa mga evacuation centers, tinutukan ng IDP Protection Cluster

LUNGSOD NG BUTUAN -- Kahit abala ang iba't-ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang relief operations sa Caraga region, tinututukan pa rin ng Internally Displaced Persons (IDP) Protection Cluster ang mga posibleng kaso ng gender-based violence (GBV) sa mga apektado ng bagyong Odette.

Ayon kay Jessie Catherine Aranas, hepe ng Protective Services Division ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Caraga at focal person ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking – Violence Against Women and their Children (RIACAT-VAWC), ang GBV ay posibleng nangyayari sa mga evacuation centers lalo na at siksikan ang mga residenteng pansamantalang naninirahan dito.

“Ang gender-based violence ay tumutukoy sa ano mang gawaing direktang nakapagdudulot ng kapahamakan sa indibidwal ano man ang kanyang kasarian. Ibig sabihin, hindi lang ito usapin ng mga babaeng inaabuso or ini-exploit kung hindi lahat po ng tao pwedeng maging biktima ng gender-based violence,” ani ni Aranas. 

Ang GBV ay nangyayari sa paraang pisikal, sexual, psychological at iba pa. “Kadalasan, ‘yung mga kaso nga natin nabibiktima pa sila sa sarili nilang bahay, mas lalo na sa evacuation centers kung saan iba-iba at hindi mo alam kung sino ang mga kasama mo,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Aranas ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan sa pagmomonitor at pagpapatupad ng kanilang referral system, at bilang mga first-hand responders sa mga biktima.

Ilang kaso na sa Surigao del Norte ang isinampa laban sa mga perpetrators.

Nanawagan din si Aranas sa mga biktima o sa mga may alam ng pang-aabuso na agad ipaalam sa otoridad o kaya ay itawag sa kanilang hotline.

“Mayroon po tayong psychological first aid o mga counselling session bilang intervention natin sa mga biktima. May temporary shelter din tayo para sa kanila. Kabilang din dito ang medical, educational, financial at livelihood assistance,” banggit ni Aranas. (JPG/PIA-Caraga)