(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 25 July 2024) At 3:00 AM today, the Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 135 km West Southwest of Calapan City, Oriental Mindoro (13.1°N, 120.0°E). Meanwhile, another LPA was estimated based on all available data at 880 km East of Eastern Visayas (11.1°N, 133.8°E). 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Southwest to Southeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, December 16, 2021

Mga residente sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region nagsilikas dahil sa Bagyong Odette

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Lubog na sa baha ang mga mabababang lugar, lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog sa ilang lugar sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region. Tuloy-tuloy kasi ang malalakas na ulan na dala ng Bagyong Odette.

Nagsilikas na ang mga residente sa mas ligtas na lugar. Kabilang sa inilikas ang tatlong araw pa lang na kapapanganak na sanggol sa isang barangay sa Butuan City. Ga-bewang na kasi ang baha sa kanilang lugar.

Patuloy pa rin ang pagresponde ng mga rescue teams sa ibang apektadong barangay ng lungsod. Nakahanda naman ang City Social Welfare and Development (CSWD) Butuan para magbigay ayuda sa mga apektadong residente na kasalukuyang nasa mga evacuation centers.

Bukas din ang malls sa Butuan City para magbigay-tulong sa mga nais mag-park ng kanilang sasakyan, mag-charge ng kanilang cellphone at iba pang gadgets at mag-stay overnight sa designated area ng malls.

May naitala namang landslide sa Sitio Mabuhay, Barangay San Mateo at Barangay De Oro at agad namang rumesponde ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at nagsagawa ng clearing operation.

Sa Bayugan City, Agusan del Sur, ginamit na rin bilang evacuation center ang East Bayugan Central School para sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng pagbaha. Karamihan sa kanila ay naninirahan malapit sa mga ilog.

Ganito rin ang sitwasyon sa bayan ng San Francisco at iba pang karatig lugar kung saan nakaantabay pa rin ang rescue teams at mga ahensiya ng pamahalaan upang maibigay ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa Telaje Covered Court ng Tandag City, Surigao del Sur naman ang nagsilbing temporary shelter ng mga apektadong pamilya at lahat sila ay tumanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan. Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa nasabing probinsya.

Bandang 1:30 ng hapon kanina, naglandfall ang Typhoon Odette sa Siargao Island, Surigao del Norte. Wala pa ring tigil hanggang sa ngayon ang pagbuhos ng ulan sa mga probinsya.

Sa Surigao City, may mga pasaherong na-stranded sa Lipata Port dahil sa bagyo at agad namang nagbigay tulong ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Oplan Kaagapay. (JPG/PIA-Caraga)