8K magsasaka nakinabang sa libreng 'irrigation service fee' sa SurSur
LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Tinatayang di-bababa sa 8,000 bilang ng mga magsasaka ang nakikinabang sa libreng irrigation service fee sa ilalim ng Duterte Administration sa Surigao del Sur.
File Photo |
Subalit
nilinaw na tanging para lang ito sa may sinasakang di-hihigit sa walong
ektarya.
Samantala,
aminado ang opisyal na malaking lugar ng palayan ang hirap silang tustusan ng
patubig sa ngayon sa may bayan ng San Miguel na tinuran bilang rice granary ng
probinsiya.
Sa
mahabang panahon ng tag-init at madalang na pag-ulan iniugnay ang problema.
Malaking
hamon din aniya kung paano ang mga magsasaka sa nabanggit na lugar na mahikayat
para sumunod sa itinakdang cropping calendar. (Greg Tataro, Jr. - DXJS
RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)