(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 24 September 2021) Easterlies affecting Luzon. Localized thunderstorms affecting Mindanao. ACTIVE TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL STORM MINDULLE (2116) LOCATION: 1,890 KM EAST OF SOUTHERN LUZON (14.2°N, 141.7°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 85 KM/H GUSTINESS: UP TO 105 KM/H MOVEMENT: WEST NORTHWEST AT 20 KM/H Caraga Region will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized thunderstorms. Possible flash floods or landslides due to severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from Northeast to Northwest will prevail with Slight to Moderate seas/(0.6 to 2.1 meters).



Friday, August 13, 2021

Mas komportableng biyahe sinigurado ng DOTr at PPA sa Caraga region

LUNGSOD NG BUTUAN -- Patuloy man ang banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), hindi ito naging hadlang para tapusin ang mga infra projects sa Caraga region.

Kabilang dito ang port expansion sa Cantilan Port, Surigao del Sur at Malasakit Hall sa Bancasi Airport, Butuan City.

Ang Cantilan Port expansion project ay nagkakahalaga ng mahigit P198 million na sinimulan noong Septyembre 2018 at natapos noong Septyembre 2020.

Dahil dito, inaasahang mas aangat pa ang negosyo sa rehiyon dahil mas nadoble pa ang kapasidad ng shipment ng kargamento at semento mula sa ibat-ibang lugar at mas madali nang makakagalaw dahil sa lawak nito.

Ayon kay Secretary Art Tugade ng Department of Transportation (DOTr), parte ng development projects sa Cantilan port ang construction ng reinforced concrete pier, back-up area at port lighting system.

Maraming benepisyo ‘yan. Mayroong employment potentials. Nagkakaroon ka rin ng convenient mobility. Napalawak ‘yung puerto, mga kargamentong pisikal, ‘yung mga semento at kargamento mas madali at mas malawak ang kilos mo diyan. Sa madaling salita, makakadagdag sa negosyo mo ‘yan. Kung mayroon kang pasilidad na ganito at magiging mas malawak ang objectives mo, magkakaroon ka rin ng connectivity,” ani ni Tugade.

Siniguro naman ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na malapit na ring matapos ang infra projects sa mga pantalan ng Masao, Nasipit, Lipata, maging ang Jubang Cruise Terminal, Cargo Terminal at Donya Helene Port ng Siargao.

“Tuloy-tuluy ang pag-improve natin sa mga pasilidad natin dito sa Caraga region. Sisikapin po natin na bago matapos ang termino ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay marami po tayong nakumpletong proyekto for the convenience and comfort of our fellow Filipinos,” tugon ni Santiago.

Samantala, marami na ring ang makikinabang sa Malasakit Hall sa Bancasi Airport dahil mayroon na itong clinic, childcare room, lounge para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), prayer room, wash room at concession space sa mga biyahero.

Binigyang-diin ni Director-General Jim Sydiongco ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na susunod na ang expansion project para sa passenger terminal building ng Bancasi Airport para madoble na rin ang kapasidad ng pasahero. Target nitong masimulan sa October 10, 2021 at matatapos sa May 23, 2022. (JPG/PIA-Caraga)