(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 04 August 2021) Southwest Monsoon affecting the country. At 3:00 PM today, a Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 550 km Northeast of Itbayat, Batanes (24.5N, 125.4E). TROPICAL CYCLONES OUTSIDE PAR AT 3:00 AM TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 735 KM WEST OF EXTREME NORTHERN LUZON (21.1°N, 114.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT; EAST SOUTHEASTWARD SLOWLY Caraga Region will have Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from Southwest will prevail with Slight to Moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).



Wednesday, July 21, 2021

Proyektong imprastraktura sa ilalim ng programa ng NTF-ELCAC, sinimulan na sa Surigao del Norte

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte (PIA) -- Naghatid ng bagong pag-asa sa mamamayan ng Barangay Mahanub, Gigaquit, Surigao del Norte ang ginawang seremonya ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC para sa proyektong pagsasagawa ng farm to market road (FMR) para sa komunidad noong ika-8 ng Hulyo 2021.

Ang nasabing FMR construction ay kabilang sa mga proyektong nakapaloob sa Barangay Development Program (BDP) ng Barangay Mahanub na napondohan ng P20 milyon mula sa Local Government Support Fund para suportahan ang nasabing proyekto.

Matatandaan na noong nakaraang ika-29 ng Hunyo ay pormal na inanunsiyo ng Probinsiya ng Surigao del Norte ang pagsisimula ng pagsasagawa ng mga proyekto sa mga barangays sa nasabing probinsya, kabilang din dito ang Retooled Community Support Program projects pagkatapos na maideklarang 'cleared' mula sa mga impluwensiya ng terorismo and nasabing barangay.

Kung kaya, ngayon ay pormal nang inilunsad ang Ground Breaking ceremony para sa gagawin na FMR kung saan sesementuhin at papagandahin ang kalsada mula sa sentro ng Barangay Mahanub na may sukat na 774.5 metro at 2.5 metrong lapad para buuin ang dalawang linya nito.

Ang nasabing daanan ay magbibigay ng katiwasayan lalo na sa mga magbubukid at mga katutubong mamamayan na naghahanap buhay at mapapadali na din nito ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo mula sa gobyerno sa mga lugar na mahirap madaanan.

Nagpapasalamat naman si Gigaquit Mayor Chandru Bonite sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno lalo na sa national government dahil hindi mangyayari ang nasabing proyekto kung wala ang kanilang tulong.

“Dahil dito mabigyan natin ng maayos na kalsada ang ating mga kababayan dito sa Barangay Mahanub. Bilang pinuno ng munisipyong ito, labis din ang aking pasasalamat dahil madami ang magiging benepisyaryo ng nasabing proyekto sa mga barangay. Isa lamang itong patunay na ang ating minamahal na Gigaquit ay patungo na sa pag-unlad at pagbabago," dagdag pa ni Mayor Bonite.

Inihayag din ni Gobernador Francisco 'Lalo' Matugas, ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nasa likod ng proyektong gagawin.

"Labis ang aking pasasalamat sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagsuporta sa ating probinsiya. Ang kalsadang ito ay isa sa mga napili para maging proyekto ng barangay Mahanub sapagkat sakop nito ang daan patungo sa lugar ng ating mga kapatid na katutubo. Matutulungan natin sila mapadali ang kanilang pamumuhay. Mas-mapapadali na ang kanilang pagpunta sa ating poblacion," ani Gob. Matugas.

Dagdag pa niya na simula pa lamang ito ng pagbabago ng probinsya ng Surigao del Norte at marami pang proyekto ang naghihintay upang tuluyan na din matapos ang terorismo sa probinsya. (30IB, Philippine Army/PIA-Surigao del Norte)