(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 21 October 2024) At 3:00 AM today, the center of Tropical Depression "KRISTINE" was estimated based on all available data at 1,070 km East of Southeastern Luzon (13.8°N, 134.1°E) with maximum sustained winds of 55 km/h near the center and gustiness of up to 70 km/h. It is moving West Southwestward at 30 km/h. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Trough of TD Kristine. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from West to Southwest will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).


Thursday, July 8, 2021

Ilang lugar sa sa SurSur, napabilang sa 'high-risk' dahil sa COVID-19

Ni Nida Grace P. Barcena

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Sampung lugar (siyam na bayan at isang syudad) sa lalawigan ng Surigao del Sur ang napabilang sa hanay ng “high-risk” o may matatas na datus ang naitala na nagpositibo sa COVID-19.

Sa panayam kay Provincial Health Office chief Dr. Eric Montecalros, kinumpirma niya na sa pamamagitan ng “national standard average daily attack rate” (ADAR) computation, napabilang ang isang syudad at siyam na bayan sa Surigao del Sur na high-risk areas simula Hunyo 20 hanggang Hulyo 3, ng kasalukuyang taon.

Ang mga naihanay sa high risk ay ang sumusunod:

● Tandag City, 

● Bayabas, 

● Cantilan, 

● Carmen, 

● Carrascal, 

● Lanuza, 

● Madrid, 

● Marihatag, 

● San Miguel , and 

● Tago.

Nagpaabot naman ng kanyang mensahe si Dr. Montesclaros sa mga local chief executives ng sampung lugar na napabilang sa mga high risk areas, na wag itong mamasamain, dahil ito ang pinagbabasehan ng kanilang mga rekomendasyon sa mga dapat gawin para mapaibsan o makontrol ang patuloy na pagtaas ng mga kaso sa mga nabanggit na lugar.

Dagdag pa ni Dr. Montesclaros, ang deklarasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa buong lalawigan ng Surigao del Sur ay isa sa mga paraan o hakbangin upang maibsan ang local transmission ng COVID-19 sa probinsya.

Matatandaan na mismong si President Rodrigo Roa Duterte na ang mismong nag anunsyo sa rekomendasyong isasailalim sa MECQ ang ilang probinsya sa Caraga, at kasama na napabilang ang probinsya ng Surigao del Sur, simula Hunyo 15 hanggang Hunyo 30. At bago matapos ang buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon, muli na naman inerekomenda ang pagpapalawig ng MECQ sa lalawigan hanggang Hulyo 15.

Nanawagan din si Dr. Montesclaros sa lahat ng residente sa Surigao del Sur na tumulong at gawin ang tungkulin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran para labanan ang COVID-19 at malimitahan na ang lokal transmisyon nito.

Base sa ipinalabas na datus noong Hulyo 3, ng Provincial Health Office, umabot na sa 4,878 ang kaso sa buong lalawigan. Nasa 811 ang mga nasa isolation o naka kwarentina, habang 3,881 ang mga nakarecover, at 186 naman ang mga binawian ng buhay. (PIA-Surigao del Sur)