(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 12 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Tuesday, June 29, 2021

Magsasaka ng niyog sa Agusan del Norte makikinabang sa Coconut Processing Upgrading Project

Ni Nora C. Lanuza

LUNGSOD NG BUTUAN (PIA) -- Mahigit P17 Million na pondo ang itinur-over para sa gagawing Coconut Oil Processing Facility na makikita sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte ang pakikinabangan ng mga magsasaka ng niyog sa lugar at karatig bayan nito. 

Emosyonal si Rebecca Felix, ang chairperson ng Libas Farmers Multi-Purpose Cooperative, dahil sa dinami-daming probinsya sa bansa, kasama ang Agusan del Norte na nabigyan ng biyaya upang ma-iangat ang kanilang estado sa buhay.

Nangako ang mga opisyales ng probinsya sa pangunguna ni Agusan del Norte Gobernador Dale B. Corvera na patuloy nilang tututukan ang nasabing proyekto at ang pagtulong nila sa mga magsasaka upang patuloy din ang pag-angat nila sa buhay at magkaroon ng kanilang trabaho. Pinaalalahanan din second district representative Ma. Angelica Rosedell M. Amante-Matba ang mga magsasaka na pahalagahan ang proyektong ito dahil magbibigay ito ng pagbabago sa kanilang buhay.

Nangako din ang mga myembro ng Libas Farmers Cooperative na alagaan at pagbutihin nila ang operasyon ng nasabing processing plant.

Ang nasabing proyekto ay isa sa mga 12 core projects sa AGUSAN UP at inaasahang magpapataas ng produksyon ng Libas Farmers mula sa 200 niyog kada linggo sa 10,000 niyog kada araw. (NCLM/PIA Agusan del Norte)