(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 11 December 2024) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting the western section of Mindanao and Palawan. Shear Line affecting the eastern sections of Central and Southern Luzon. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon and the rest of Central Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, June 24, 2021

Pagbabakuna sa Tandag tuloy pa rin sa gitna ng hamon ng pandemya dulot ng COVID-19

Ni Nida Grace P. Barcena


LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur, Hunyo 24 (PIA) -- Malaking hamon ang kinakaharap ng mga health workers na kasali sa pagpapatupad ng vaccination rollout sa lungsod, lalo pa at napabilang na ang Tandag City na may local transmission at isa na ring kinukonsederang high risk base sa bilang ng mga nagpositibong kaso sa lugar.

Sa panayam sa Radyo Pilipinas-Tandag kay Dr. Ruth Arraz, hepe ng City Health Office, apat sa kanilang empleyado ang kasalukuyang sumasailalim sa kwarentina matapos mapag-alaman na may “first generation contact” ang mga ito sa nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Inamin din ng opisyal na nabawasan din sila ng mga Barangay Health Workers (BHWs) na tumulong sa kanila sa vaccination centers, sa kadahilanan na rin na pinabalik na sila sa kani-kanilang barangay na merong mataas ang kaso sa COVID-19 para gawin ang kanilang mga tungkulin bilang mga “contact tracers.”


Sa kabila sa hamon ng pandemyang kinakaharap dulot ng COVID-19, patuloy pa rin aniyang ipapatupad ang pagbabakuna, at maayos na sumunod sa mga safety protocol. Patuloy rin ang maayos na koordinasyon sa local inter–agency task force against COVID-19 para sa maayos na implementasyon sa buong syudad. (PIA-Surigao del Sur)