(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 09 December 2024) Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting Extreme Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast to North will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, June 24, 2021

203 aktibong kaso sa COVID-19, naitala sa lungsod ng Tandag

By: Nida Grace P. Barcena


TANDAG CITY, Surigao del Sur, Hunyo 24 (PIA) –  Umabot na sa 203 indibidwal ang naitalang aktibong kaso na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa syudad ng Tandag, base sa ipinalabas nilang situational report ng lokal na pamahalan ng syudad noong Hunyo 23 ng kasalukuyang taon.

Base sa pinalabas na Situational Report No. 74, simula ng pandemya, nakapagtala na ang syudad ng 805 na kumpirmadong nagpositibo, kung saan 203 nito ang mga aktibong kaso, 586 ang mga gumaling na (recovered), samantalang 19 naman ang namatay.


Napag-alaman na ang mga naitalang aktibong kaso ay nagmula sa mga sumusunod na barangay: Telaje (48), Mabua ( 32 ), Bag – ong Lungsod ( 20 ), San Agustin Sur ( 20 ), Awasian ( 19 ), Rosario ( 19 ), Dagocdoc ( 18 ), Bongtud ( 8 ), San Agustin Norte ( 8 ), Buenavista ( 4 ), Bioto ( 3 ), Salvacion ( 3 ), ug San Isidro ( 1 ).


Sa kabuuang 203 na mga aktibong kaso, 132 nito ang Asymptomatic, samantalang 71 ang may mga sintomas. Kasalukuyan sumasailalim sa istriktong kwarentina sa kanilang mga bahay ang 132 na mga indibidwal, 37 ang nasa quarantine facility, 32 ang nasa Adela Serra Ty Memorial Medical Center, (ASTMMC), at dalawa (2) ang nairefer sa ibang health facility.


Samantala, umabot naman sa  1, 978 ang mga suspetsadong mayroong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan na patuloy na minomonitor nga mga health workers sa nasabing syudad. (PIA-Surigao del Sur)