(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 04 August 2021) Southwest Monsoon affecting the country. At 3:00 PM today, a Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 550 km Northeast of Itbayat, Batanes (24.5N, 125.4E). TROPICAL CYCLONES OUTSIDE PAR AT 3:00 AM TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 735 KM WEST OF EXTREME NORTHERN LUZON (21.1°N, 114.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT; EAST SOUTHEASTWARD SLOWLY Caraga Region will have Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from Southwest will prevail with Slight to Moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).



Friday, June 18, 2021

‘Run for Comfort’ project inilunsad sa Tagana-an, Surigao del Norte

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hunyo 18 (PIA) -- Isang fun run o bersyon ng ‘Color Me Run’ na tinaguriang ‘Run for Comfort’ na isang fund raising activity ang nagbigay daan para solusyunan ang kakulangan ng palikuran sa bayan ng Tagana-an, Surigao del Norte.

Sa pamamagitan ng nasabing fund raising activity, ilang kabahayan ng benepisyaryong napabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino program o 4Ps sa barangay Patiño, Tagana-an ang nakinabang at nalagyan ng sanitary toilet facility mula sa kinita ng fun run.


Inisyatibo ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) - Surigao del Norte Provincial Operations Office, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan Tagana-an, Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).


“May 11 households na ang nakinabang sa nasabing proyekto o inisyatibo na Run for Comfort. Kaya maraming salamat kasi ‘yong LGU Tagana-an ay talagang sumusuporta para maisakatuparan ito. Kung wala lang sanang pandemic ay tuloy-tuloy sana an ating aktibidad para makalikom ng sapat na pondo para mas marami ang matulungan.,”) sabi ni Shalom Dapar Sumaguila, provincial link ng Surigao del Norte 4Ps.


Layunin din ng nasabing proyekyo na mahikayat ang mga 4ps beneficiary na gumawa ng sariling comfort room sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan gawa ng unsanitary toilet at open defecation.

“Nang dahil sa initiative po na ‘yon may plano po ng provincial office ng DSWD Pantawid Pamilya na gawin yon provincialwide para mas malaki ang malilikom  natin na pondo para masolusyunan ang problema ng open defecation lalo na sa  mga coastal areas. So, siguro pagkatapos ng pandemic gagawin natin ‘yon, i-replicate natin para talagang mas marami pang pamilya ang matutulungan,” ani Sumaguila.


Pinapaalalahanan din ng DSWD ang mga 4Ps beneficiary na gamitin ang kanilang cash grants para tugunan ang pang araw-araw na pangunahin nilang pangangailangan.


Samanatala, nagpapasalamat naman si Mary Jane Digma, residente ng barangay Patiño at recipient ng toilet facility project dahil matagal na rin anya nila gusto ng kanyang pamilya na magkaroon ng komportable at malinis na palikuran.


Ang proyektong ‘Run for Comfort’ ay entry ng Tagana-an para sa 2021 Search for Best 4Ps Initiative ng DSWD Caraga. (SDR/VLG/PIA-Surigao del Norte)