(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 09 September 2024) Southwest Monsoon affecting Central Luzon, Southern Luzon, and Visayas. Trough of Super Typhoon {YAGI} (formerly "ENTENG") affecting Extreme Northern Luzon. Southwest Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SUPER TYPHOON YAGI (2411) LOCATION: 825 KM WEST OF NORTHERN LUZON (19.2°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 195 KM/H GUSTINESS: UP TO 240 KM/H MOVEMENT: WESTWARD AT 20 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from South to Southwest will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Friday, January 29, 2021


Nograles, Zero Hunger Task Force, Pilipinas Kontra Gutom nanguna sa strat plan session ng pribadong sektor

Si Cabinet Secretary Karlo Nograles, punong nangangasiwa ng Zero Hunger Task Force ng gobyerno, ang nanguna sa pagdaraos ng isang strategic planning session kasama ang mga private sector stakeholders at organizers ng Pilipinas Kontra Gutom (PKG) upang makongreto ang mga ugnayan at programa na naglalayong tugunan ang gutom at malnutrisyon sa mga batang Pilipino.

Ang session ay dinaluhan ng mga kinatawan ng kasaping ahensiya ng Task Force at non-government program partners. AngiIba`t ibang mga "work streams" ay naisagawa noong nakaraang linggo, na nagtapos ang pagpaplano noong Miyerkules, Enero 27, 2021.

Si Nograles, na kakatalaga lamang bilang adviser ng Scaling Up Nutrition Network, ay nagpahayag ng positibong pananaw hinggil sa mga inisyatibo ng administrasyong Duterte laban sa kagutuman.

"Ang ating session at mga breakout groups ay napaka-produktibo. Malapit na nakikipagtulungan sa ating mga partners, aming nakapagkasunduan ang mga tiyak na layunin at nai-setup ang mga kongkretong roadmap na ipapatupad natin ngayong taon bilang bahagi ng Pilipinas Kontra Gutom," pahayag ng opisyal ng MalacaΓ±ang.

Idinagdag pa ng Kalihim ng Gabinete na ang mga bagong new collaborative outputs ay magpapatatag sa mga hakbang ng gobyerno na pataasin ang agricultural productivity at kita ng mga magsasaka, mapahusay ang pag-access sa ligtas, masustansiya, abot-kayang mga item ng pagkain partikular na sa mga marginalized na pamilya, at lipulin ang lahat ng uri ng malnutrisyon.

"Ang ating patuloy na mantra sa pagkamit ng responsive government service ay makabuluhang pakikipagtulungan sa mga stakeholders. Mayroong itong symbiotic relationship sapagkat natututo tayo mula sa ating mga kaibigan sa pribadong sektor. Nagagawa nating dagdagan ang ating mga programa gamit ang ibinahaging mga pinakamahusay na kasanayan. Ang mga non-government stakeholders naman ay makakakuha ng access sa ating malawak na pambansang network at implementation mechanism."

"Kailangan natin magtulungan. Ang pag-iisip at pag-akto bilang kaisa ang mga susi upang matagumpay na malabanan ang banta ng malnutrisyon at gutom," bigay diin ng Kalihim ng Gabinete.

Sa kasagsagan ng strat plan session, ang dating mambabatas ay humingi ng commitments mula sa mga dumalo upang masigasig na ipagpatuloy ang kanilang ibinahaging mga layunin, at nagpahayag ng pasasalamat sa mga kalahok para sa pagiging "active food and hunger warriors."

"We are all answering the call to service. Ang ating mga layunin ay marangal, ang agarang pagkilos natin ay kinakailangan. Itong mga zero hunger efforts ng administrasyong Duterte ay naka-full blast na. Tayong lahat ay gumawa ng positibong pagkakaiba ngayong 2021 alang-alang sa ating mga anak at mga susunod na henerasyon, " paglalahad ni Nograles.