(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 10 December 2024) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting the western section of Mindanao and Palawan. Shear Line affecting the eastern sections of Central and Southern Luzon. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon and the rest of Central Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, August 1, 2019


POPCOM Caraga celebrates 100-millionth babies' 5th birthday

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Aug. 1 (PIA) - Five children who were among the symbolic 100-millionth babies in the country were delighted to receive the gift from Commission on Population (PopCom) Caraga as they celebrated their 5th birthday here, with the presence of other concerned government agencies.

PopCom, together with the Department of Health (DOH) and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Caraga, has been monitoring these children’s growth and health condition since they were born.

The said agencies also reminded the parents to ensure that their children's needs are met and a quality life and access to health, education and proper guidance are provided so they grow up responsible citizens.

Dir. Alexander Makinano of PopCom-13 also stressed that the government has intensified its efforts and campaign towards responsible parenthood and family planning program.

Meanwhile, parents of the five children also expressed their thanks to all working government agencies for continuously providing assistance and social welfare programs and services for their children.

“Thank you to all the government agencies that continue to provide our children with the assistance they need as they grow up. We will also do our best as parents,” said Cherilyn Aquino of Agusan del Sur.

“I am thankful especially to PhilHealth. We did not pay any centavo in the hospital bills when my daughter was admitted,” Ryan Tranquilan of Surigao del Sur said.

It was a fun and memorable day for the 100-millionth baby birthday celebrators as each of them received their special gifts from PopCom while give-aways were also given to visitors. (JPG/PIA-Caraga)

Produkto sa Caraga ibinida sa ASPIRE trade fair

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 1 (PIA) - Mas mura ngunit dekalidad na mga produkto. Iyan ang ibinida ng local farmers at business sector, kasama ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno sa tatlong araw na Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Enterprises (ASPIRE) Trade Fair dito sa lungsod.

Ayon kay Dir. Junibert De Sagun, deputy director ng Department of Agriculture - Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS), layun nitong mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura  at pamumuhay ng local farmers sa pamamagitan ng trade fair, business matching at investment promotion.

“Ito ay nabuo noong 2017, nagkaroon ng formal agreement ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture at Philippine Chamber of Commerce and Industry, Incorporated. Layun nitong pagtagpuin sa isang lokasyon ang ibat-ibang sector nang maibida sa publiko ang kanilang produkto at mas makilala ito ng mga konsumante,” sabi ni De Sagun.
Binigyang-diin din ni Engr. Leandro Gazmin ng PCCI na nakatuon sila sa pagtukoy sa mga pangunahing bilihin ng rehiyon upang akma sa pangangailangan ng local farmers ang tulong na binibigay ng pamahalaan sa sektor.

“Para sa Caraga region, masaya ako na tuluy-tuloy pa yung suporta nila sa ASPIRE. At umaasa ako na magkaroon na ng mas malaking awareness ang publiko,” sabi ni Gazmin.

Ibinahagi naman ni Dir. Annray Rivera, focal person for TienDA South Metro ang kahalagahan ng TienDA malasakit store para sa mga local farmers.

“Sa TienDA po, ang ating mga farmers ay nate-training kung paano magtinda ng sarili nilang produkto. Nakakapag-command sila ng mas tamang presyo ng kanilang produkto at yung mga consumers naman ay nakakabili ng mas mura, mas sarili,” sabi ni Rivera.

Samantala, laking pasalamat naman ni Jhoanna Garcia sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa local farmers at entreprenuers na kagaya niya.

“Nagpapasalamat ako sa mga nagsuporta sa akin sa government agencies, sa DA Caraga at LGU. Huwag po kayong magsawang tumulong sa katulad naming maliliit na farmers na nag-uumpisa pa lang sa entrepreneur nato at pagpalain po kayo ng panginoon sa pagtulong nyo sa amin,” pahayag ni Garcia. (JPG/PIA-Caraga)

LGU-Butuan nanawagan na magkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa Agusan River

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Agosto 1 (PIA) - Maaga palang ay nagtipon-tipon na ang mga Butuanons at Agusanons, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga kawani ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno para sa Abayan Festival sa Agusan River dito sa lungsod.

Highlight dito ang fluvial procession bilang pagbigay halaga sa Agusan River at sa patron Santa Ana.

Sa kanyang mensahe, nanawagan si Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa mga Butuanons at Agusanons na patuloy na pahalagahan ang kagandahan at kalinisan sa Agusan River dahil isa ito sa nagbibigay sigla sa turismo ng butuan.

Hinimok din niya ang lahat na sundin ang tamang pag-segregate ng basura at iwasang magtapon ng mga plastic wastes sa nasabing ilog.

“Basura ang pangunahing kalaban ng ating Agusan River kaya panatilihin nating malinis ito. Huwag tayong magtapon ng mga plastic sa ilog dahil nakakasira ito sa kalikasan,” sabi ni Lagnada.

Maliban sa fluvial parade, isinagawa rin ang ‘baroto’ race ng mga kabataan at kababaihang mahilig sa sailing sports.

Isa si Reah Umpad, 40 taong gulang sa nakilahok sa ‘baroto’ race ng mga grupo ng mga kababaihan. Layun ng kanilang grupo na maipakita sa lahat na malinis ang Butuan at nagkakaisa ang lahat para maisulong ang mga proyektong makapagdudulot ng pag-unlad sa lungsod.

Ibinahagi rin ni Michael Jepson Oribia, grade 12 student at miyembro ng Dragon Boat Team sa lungsod ang kanilang adhikain na mas makilala pa ang butuan sa kalinisan at kagandahan ng Agusan River. Malaking bagay ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagtulong sa gobyerno para maitaguyod ang turismo ng lungsod. (JPG/PIA-Caraga)

PopCom Caraga ibinida ang ika-5 taong kaarawan ng mga batang kabilang sa 100-Millionth babies 

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 1 (PIA) - Bakas ang saya sa mukha ng mga batang nagdaos ng kanilang ika-limang taong kaarawan dito sa lungsod sa regalong handog sa kanila ng Commission on Population (PopCom) Caraga.

Ang limang batang ito ay kabilang sa simbolikong 100-millionth babies ng bansa.

Mula nang pinanganak sila ay sinubaybayan na ng PopCom ang kanilang paglaki, maging ang kanilang kalusugan.

Kasama ang Department of Health (DOH) at Philippine Health (PhilHealth) Caraga, sinuri ang kalagayan ng mga bata at pinaalalahanan ang mga magulang na gabayang mabuti ang kanilang mga anak nang lumaki silang maayos at responsable.

Ibinahagi rin ng ahensya ang kahalagahan ng pagpapatupad ng responsible parenthood o family program ng gobyerno.

Laking pasasalamat naman ng mga magulang sa patuloy na suporta na binibigay ng PopCom at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“Maraming salamat po sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na patuloy na tumutulong sa aming mga anak,” sabi ni Cherilyn Aquino ng Agusan del Sur.

“Salamat din sa PhilHealth dahil noong nagkasakit ang aking anak, wala po kaming binayaran sa hospital,” sabi naman ni Ryan Tranquilan ng Surigao del Sur.

Samantala, binigyan din ng mga regalo ang bawat isa sa limang bata, at give-aways naman para sa kanilang mga bisita. (JPG/PIA-Caraga)

RTF-ELCAC Caraga bumuo ng action plan para sa pagpapatupad ng EO 70

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 1 (PIA) - Nagtipon-tipon ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na siyang bumubuo sa 12 clusters sa ilalim ng Caraga Regional Task Force - Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) dito sa lungsod para bumuo ng ibat-ibang action plan alinsunod sa Executive Order No. 70 o ang pagsugpo ng local armed conflict o insurgency sa rehiyon.

Ayon kay regional director Lilibeth Famacion ng Department of the Interior and Local Govrnment (DILG) Caraga at head secretariat ng Regional Peace and Order Council (RPOC), kailangan magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan at ma-streamline ang mga gagawing hakbang sa kanilang pagtugon sa problema sa insurgency,para mas maging planado at organisado.

Ibinahagi ni Erica Gina CariΓ±o ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA)-central office ang mga mahahalagang papel ng bawat cluster at mga programa't serbisyo ng mga ito na dapat maibigay sa apektadong komunidad.

Binigyang-halaga rin ni regional director Manuel OrduΓ±a ng NICA regions 10 at Caraga ang ilang programa at kampanya ng administrasyong Duterte na nakatulong sa mga mamamayang pilipino lalu na ang mga programang  nakapagbigay oportunidad sa mga former rebels na makapagbagong buhay.

Umaasa naman si assistant regional director Roy Kantuna ng National Economic and Development Authority (NEDA) Caraga na sa mga nabuong action plans ng mga clusters ay mas mapaigting pa ang kampanya laban insurgency at mas matugunan ang mga pangunahing isyung kinakaharap sa mga conflict-affected areas ng rehiyon.

Ang RTF-ELCAC ay binubuo ng: 1) local government empowerment; 2) legal cooperation cluster; 3) basic services; 4) peace and law enforcement; 5) local peace engagement; 6) sectoral unification capacity building and empowerment; 7) livelihood and poverty alleviation; 8) strategic communication; 9) infrastructure and resource management; 10) situational awareness and knowledge management; 11) E-CLIP and amnesty; at 12) international engagement. (JPG/PIA-Caraga)

Kampanya laban Dengue, mas pinaigting pa sa Caraga region

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 1 (PIA) - Tumataas ang bilang ng nagkakasakit sa Dengue sa Caraga region.

Sa datos ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Caraga,  noong Hulyo 22, may mahigit 6,000 kaso ng dengue ang naitala sa rehiyon, mas mataas kumpara sa kaso noong nakaraang taon, subalit  nasa below alert level pa rin naman ang rehiyon.

Ayon kay DOH-CHD Caraga regional director Dr. Jose Llacuna Jr., kailangang mas paigtingin pa ng mga lokal na pamahalaan ang kampanya laban sa sakit na dengue upang hindi na madagdagan pa ang kaso nito sa rehiyon.

“Mayroon tayong 6,500 cases of dengue dito sa  Caraga. Mataas ito ngayon kumpara sa 2,300 noong nakaraang taon, pero yung level natin sa bago nating graph is below the alert level pa rin naman,” sabi ni Llacuna.

Pinaalalahanan din nang ahensiya ang lahat ng mga barangay na patuloy na sundin ang 4S campaign para maiwasan ang pagkalat ng dengue – ito ay ang search and destroy; self protection measures; seek early consultation; at say no to indiscriminate fogging.

Pinasalamatan naman ng health department ang mga lokal na pamahalaan ng rehiyon sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno para sa mga mamamayan.

Samantala, pinaigting rin ng DOH-CHD ang kampanya laban tigdas kasabay ng pagsasagawa ng school-based immunization sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon.

Ayon pa kay Direktor Llacuna, may mataas na bilang ng kaso sa tigdas sa Caraga subalit hindi naman ito umabot sa alert level.
Patuloy din aniya ang kanilang koordinasyon kasama ang Department of Education para matiyak ang pagbigay bakuna sa lahat ng mga school-age children o mag-aaral sa darating na Setyembre. (JPG/PIA-Caraga)