(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 23 December 2025) Shear Line affecting the eastern sections of Northern and Central Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. Easterlies affecting the rest of the country. Dinagat Islands, Surigao del Norte will be cloudy with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible landslides or flashfloods due to moderate to at times heavy rains. Rest of Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms caused by Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to moderate winds from the east to northeast with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Monday, June 24, 2019


100 kabataang IPs tumanggap ng gamit pang-eskwela mula sa PNP-Caraga

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 24 (PIA) -
May 100 kabataang Indigenous Peoples (IPs) mula sa Mamanwa tribe ng Sitio Kugtong, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte ang tumanggap ng mga gamit pang-eskwela mula sa Philippine National Police (PNP) Caraga at sa tulong ng isang private donor.

Sa isinagawang gift-giving activity ng PNP-Caraga, pinangunahan ni Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, ang pamimigay ng school bag, notebooks, papel, at iba pang gamit pang-eskwela sa lahat ng benepisyaryo.

Tinanggap naman ito ng mga kabataang lumad na may ngiti sa kanilang mukha.

Ayon kay Cruz, mahalaga ang kontribusyon ng ips sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad kaya nararapat lang din aniya na sila'y pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at iabot sa kanila ang kanilang mga pangangailangan.

“May mga programa para sa inyo ang gobyerno kaya makatutulong po ang inyong suporta sa para na rin po sa kinabukasan ng inyong mga anak,” sabi ni Cruz.

Dagdag pa ng opisyal, madalas ang mga IPs ay nabibiktima ng karahasan ng mga New People’s Army (NPA).

Isa lang aniya ito sa marami pang aktibidad na gagawin ng kanilang ahensiya para sa IP sector. (JPG/PIA-Caraga)