SAP Bong Go to
grace 58th Araw ng Surigao del Sur fete
By Greg Tataro, Jr.
TANDAG
CITY, Surigao del Sur, June 13 – Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence
“Bong” Go is going to be the guest of honor and speaker during the kick-off
rites of the 58th Araw ng Surigao del Sur on June 15, 2018.
In an
interview over Radyo Pilipinas, Gov. Vicente “BB Pimentel, Jr. said “SAP Bong
Go was eyed to grace the occasion since he could always be of help to the
province aside from being close to President Rodrigo Duterte.”
The
governor indicated that Surigao del Sur still needed a lot of support in terms
of development.
With
the theme “Inclusive Growth and Sustainable Development Towards a Vibrant
Economy,” Gov. Pimentel also called on everyone to join the entire duration of
the five-day affair especially during the opening program that would take place
at the Tandag City Gymnasium.
The
58th Araw Ng Surigao del Sur celebration will culminate on June 19, 2018,
declared as “special non-working holiday in the entire province” through R.A.
No. 7671 on January 10, 1994, it was learned. (Radyo
Pilipinas-Tandag/PIA-Surigao del Sur)
Negosyo Center
Bayugan trains BuB cooperators on BEST Game
BAYUGAN
CITY, Agusan del Sur, June 13 – The Negosyo Center (NC) here has recently
trained some 45 beneficiaries of Bottom-up-Budgeting (BUB) on entrepreneurship
using Business Expense Saving Training (BEST) Game.
The
training was aimed to equip the participants on the right attitude, system to
use, proper planning and know the right people to tap and hire for business.
The
said participants are managing BuB projects on Furniture Shop and Metal
Craft.
"I
am very thankful, through this seminar that we were able to know and compare
the way we run our business," shared Hernani S. Dublin, Jr., one of the
participants of said training. (DTI-Agusan del Sur/ PIA-Agusan del Sur)
Tagalog News:
Mahigit P32-M na illegally-cut forest products ang naitala ng DENR sa Caraga
Region
By Jennifer
P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN, Hunyo 13 (PIA) - Nasa mahigit P32-M na halaga ng confiscated illegal
forest products ang naitala ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) Caraga mula Abril 14-15 at Abril 18-20, 2018.
Kasabay
sa selebrasyon ng World Environment Day, ibinahagi rin ni DENR-Caraga regional
director Atty. Felix Alicer ang kanilang mga naging aksyon o tugon sa problema
sa illegal logging.
Base
sa datus ng DENR, may 12 wood processing plants ang nadismantle o napadlock ng
ahensya dahil sa hindi pagsunod sa alituntunin ng pagtotroso. Napag-alaman din
na may 53 insidente ng pagkonspiska ng mga illegal logs ang naisagawa ng
ahensya.
Nasa
mahigit anim na libong cubic meters ng illegal logs ang nakompiska at mahigit
dalawang-daang libong board feet ng lumber/flitches at sticks ang nasabat ng
ahensya. Umabot rin sa 117 paraphernalia/implements na ginagamit sa illegal
logging ang nakompiska.
Dagdag
pa ni Dir. Alicer, ang mga CENROs at PENROs ng rehiyon, kasama ng Department of
the Interior and Local Government (DILG) ay patuloy na nagsasagawa ng
monitoring and assessment sa mga lugar na tapat na pinapatupad ang mga batas
pangkalikasan at ordinansa bilang suporta sa solid waste management.
Ayon
naman kay Engr. Wilson Trajeco, ang regional director ng Environmental
Management Bureau (EMB) Caraga, may ilan-ilan na rin silang na-issuehan ng
notice of violation sa ibat-ibang establishments ng rehiyon. Dumadaan umano ito
sa due process at binibigyan ng 60 days para magcomply at kapag hindi pa rin
inaksyunan, maaring mahaharap na sa kaso ang akusado.
Nanawagan
din si Dir. Trajeco sa mga residente na naninirahan malapit sa mga tourism
establishments na maging responsible sa kanilang sanitation at nang maiwasang
makasira sa kalikasan, na magdudulot din ng masamang epekto sa turismo.
(JPG/PIA-Caraga)
Tagalog News: IPs
sa Agusan del Sur nakiisa sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at Naliyagan
Festival
By Jennifer
P. Gaitano
AGUSAN
DEL SUR, Hunyo 13 (PIA) - Nakiisa ang mga Indigenous Peoples (IPs) na
nanggaling pa sa ibat-ibang bahagi ng probinsya ng Agusan del Sur sa
selebrasyon ng ika-120th Kalayaan ng bansa, at sa pasimulang pagbubukas ng
Naliyagan Festival 2018 na ginanap sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center.
Bilang
pasimulang aktibidad sa Naliyagan Festival, nagsagawa ang mga IPs ng isang
ritwal ng pag-aalay para sa matiwasay at kagandahan ng pamumuhay sa probinsya
ng agusan del sur at ito ay tinatawag nilang 'Panawagtawag.'
Ayon
kay Agusan del Sur Governor Adolph Edward Plaza, ang Naliyagan Festival ay
taonang selebrasyon na nagsisimula sa Hunyo 12 hanggang 17 na puno ng
makabuluhang aktibidad para sa mga Agusanons at Caraganons.
Dagdag
pa ni Gov. Plaza, “The chosen one or the most loved” o pinakamamahal ang
ipinahihiwatig ng Naliyagan Festival. Pinapakita nito ang kahalagahan ng mga
IPs sa komunidad, maging ng kanilang ritwal, kultura at tradisyon, at mga
produktong sila mismo ang gumawa.
Ibinahagi
naman ni Congresswoman Valentina Plaza ng unang distrito ng Agusan del Sur, na
binibigyang halaga ng gobyerno ang kapakanan ng mga ips bilang suporta rin sa
mandato ni President Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin
naman ni Nilo Manpatilan, provincial IP focal person ng Agusan del Sur, na
sinusuportahan nila ang gobyerno at umaasa silang patuloy din ang pagbibigay
serbisyo nito sa kanilang sektor. Ang pagbibigay halaga naman sa kanilang mga
karapatan bilang IP umano ang kanilang hiling mula sa publiko.
Samantala,
sinabi naman ni Brigadier General Andres Centino, commander ng 401st brigade,
Philippine Army, na may naka-deploy silang AFP personnel sa mga strategic areas
ng probinsya upang masegurong payapa at ligtas ang mga dumadayo sa lugar para
sa Naliyagan Festival. (JPG/PIA-Caraga)