43 Caraga cops dismissed from service

BUTUAN CITY, Nov. 13 – Amid the intensified efforts
of Caraga police to clean its ranks, 43 cops were dismissed from the uniformed
service from January 1 to November 9, 2017.
The dismissed policemen were found guilty for grave
misconduct, grave insubordination, serious neglect of duty and grave neglect of
duty.
“This is part of our ongoing internal cleansing
efforts to instill discipline and build ethics among our ranks. We need cops
who are true to their sworn duties and committed to render quality police
services,” Police Regional Office (PRO13) Regional Director PCSupt. Rolando
Felix emphasized.
In 2016, series of random drug tests were conducted
to the uniformed personnel assigned to regional headquarters, police provincial
offices, public safety forces and police stations in Caraga. Those who were
found positive for the use of illegal drugs were charged administratively for
grave misconduct.
The penalty of dismissal, which resulted in the
separation from the service, shall carry with it the cancellation of
eligibility, forfeiture of retirement benefits and disqualification for
reemployment in the government service. (PRO-13/PIA-Caraga)
Tagalog News: Mga guro, estudyante sa Caraga region
nakipagtagisan sa ‘Regional Science Fair at Quiz Plus’

LUNGSOD NG SURIGAO, Nob. 13 (PIA) – Bilang
paghahanda sa nalalapit na National Science Fair sa darating na Pebrero 2018,
naging mahigpit ang kompetisyon ng mga guro at mag-aaral na nagsipaglahok sa
‘Regional Science Fair and Quiz Plus’ na ginanap dito sa Surigao City National
High School.
Minabuti umano ng mga sumali sa iba’t ibang
kategorya ng kompetisyon na maitampok ang pananaliksik at pinag-isipang
sayantipikong proyekto o science investigatory project, gayundin ang puspusang
pagsasanay para sa sinalihang quiz bowl.
Ayon kay Dr. Isidro Biol, chief ng Curriculum and
Learning Management and Development ng
Department of Education (DepEd) Caraga, pinagtibay umano ng kanilang
departamento ang pagtatanghal ng regional science fair upang maisulong pa lalo
ang kahalagahan ng pagdiskubre at pagbuo ng mga natatanging researchers na pawang
mga kabataan.
Dagdag pa ni Biol, ang mga napiling kalahok na
sasabak sa national level ay sasailalim sa ‘cliniquing’ kung saan nilalayong
higit na pahusayin ang kanilang kaalaman at kakayahan.
“Ito ay isa sa mga best practices ng DepEd.
Marami-rami na rin tayong napanalunan internationally sa iba’t ibang bansa gaya
ng Seoul, South Korea, Canada, Malaysia at sa iba pang parte ng mundo,” sabi ni
Biol.
Inihayag naman ni Bernabe Linog, Science Education
Program Supervisor ng DepEd Caraga, na sinisiguro ng DepEd na mahasa ang
kakayahan ng mga kabataan sa scientific at technological research at maging
katuwang ang mga ito sa pagsulong ng innovative projects.
Bukod sa science investigatory project, quiz bowl
at environmental quiz, kabilang din sa pinagtagisan ang robotics, strategic
intervention materials (SIM), improvisation material at process skills.
Ang naging tema ng Regional Science Fair and Quiz
Plus sa taon na ito ay “Utilizing Science Innovation, Promoting Disaster Risk
Reduction.” (VLG/PIA-Surigao del Norte)