Tagalog news: PIA-13 nag-organisa ng rapid media
reaction team
Ni Hyazel Rose Ampo
LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 30 (PIA) -- Inorganisa
ng panrehiyong tanggapan ng Philippine Information Agency sa Caraga ang “rapid
media reaction team.” Ito ay binuo upang maayos na maikalat ang impormasyon sa
publiko sa darating na midterm election ngayong May 13, 2013.
Ayon kay PIA Northern and Northeastern Mindanao
Information Cluster Head at Caraga Regional Director Abner Caga, ang konsepto
ng nasabing media reaction team ay magsisilbing gabay sa mga mga kasapi ng
media upang maipamahagi ang impormasyon sa darating na halalan sa publiko.
Dagdag pa ni Caga, inaanyayahan ang mga media
outfits na magpadala ng isang kinatawan upang sumali sa team. Ito ay
kinakailangan upang mapalaganap ang pantay-pantay na pagkuha ng mga
impormasyon. Diin ni Caga, nararapat na walang sinusuportahan ang mismong
kinatawang media outfit upang maging balanse sa pagbabalita.
Samantala, sinabi ni Caga na binuo ang nasabing
team upang matipon ang lahat ng media outlet sa lungsod. Ito ay isang
epektibong paraan tungo sa pagkakaisa ng media sa pagbibigay ng makabuluhang
impormasyon sa publiko. (RER/PIA-Caraga)