(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 March 2026) Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to the Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Moderate to strong winds from Northeast to North with moderate to rough seas (1.8 to 2.8 meters) prevails on the eastern section of Mindanao; while rest of Mindanao will have light to moderate winds from Northeast to North with slight to moderate seas (0.6 to 1.8 meters). Northeast Monsoon affecting Northern Luzon.


Monday, March 23, 2026

PMO Surigao, mas pinaigting ang kahandaan sa lindol

By Susil D. Ragas

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (PIA)  Muling pinatunayan ng Port Management Office (PMO) ng Surigao ang dedikasyon nito sa kaligtasan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). 

Ang drill na idinaos noong ika-12 ng Marso ay nilahukan ng mga kawani mula sa lahat ng nasasakupang lugar ng PMO Surigao, kabilang ang: Port of Surigao (Baseport) at mga terminal management offices (TMOs) sa Dapa, Dinagat Islands, Tandag, at Lipata.

Sinabi ni Port Manager Froilan U. Caturla na idinaos ang pangunahing aktibidad sa gusaling administratibo ng Port of Surigao at sa hudyat ng integrated earthquake alarm system na nagsilbing simulasyon ng isang tunay na pagyanig, mabilis at maayos na isinagawa ng mga empleyado ang pangunahing kilos-kaligtasan na ‘duck, cover, and hold.’ 

Aniya, nagging susi sa tagumpay ng pagsasanay ang mabilis na pagkilos ng incident management team (IMT) ng PMO Surigao, na nanguna sa koordinasyon ng mga sumusunod na hakbang:

Pagtatala ng tao o headcount: Agarang nagsagawa ng bilangan upang matiyak na ligtas at kumpleto ang lahat ng personnel.

* Inspeksyon ng estruktura: Mabilis na sinuri ng Damage Control and Search and Rescue Team ang integridad ng gusali upang matiyak na wala itong tinamong pinsala.

* Pagpapatuloy ng operasyon: Matapos i-deklarang ligtas ang lugar, agad na bumalik sa normal ang operasyon ng daungan—isang patunay ng kahandaan ng ahensya sa pagpapanatili ng serbisyo sa gitna ng sakuna.

“Ang masigasig na pakikilahok ng PMO Surigao sa NSED ay nagpapakita ng kanilang seryosong pangako sa pagprotekta sa kanilang mga kawani at sa pagtiyak na hindi mapaparalisa ang serbisyo sa publiko sakaling magkaroon ng natural na kalamidad,” dagdag pa ni Caturla. 

Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, sinisiguro ng pamunuan ng daungan na sila ay laging handa at mabilis na makakatulong sa anumang totoong banta ng lindol. (SDR, PIA Surigao del Norte kasama ang report mula sa PPA-PMO Surigao)