Nagwagi sa pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Tรกyo 2025, inanunsyo
LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagwagรฎ si John Dave B. Pacheco sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Tรกyo 2025 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pรกra sa kaniyang dulang “Ang Lupa ay Akรณ” at makatatanggap siyรก ng P10,000.00 (net) at plake.
Nagwagรฎ rin si Mark Andy Pedere ng ikalawang gantimpala pรกra sa kaniyang dula na “Dayorama ng mga Nawaglit na Alaala” at makatatanggap siyรก ng P7,000.00 at plake.
Hinirang naman si Alpine Christopher P. Moldez sa ikatlong gantimpala pรกra sa kaniyang dulang “Consejo de los Personajes” at makatatanggap siyรก ng P5,000.00 (net) at plake.
Si John Dave B. Pacheco ay nagtapos sa Lagao National High School sa Lungsod Heneral Santos at isang Tagakaulo, mula sa Malungon, Lalawigan ng Sarangani. Siyรก ay naging semi-finalist para sa 3rd Lagulad Prize at finalist para sa Sulat Sox poem writing competition at nailathala ang kaniyang mga akda sa Cotabato Literary Journal. Sa kasalukuyan, siya ay isang peer educator, isang HIV/AIDS (Human immunodeficiency Virus/Acquired Immunodeficiency Syndrome) advocate, at miyembro at opisyal ng Sarangani Writers League.
Isa siyรกng manunulat at spoken word artist. Itinampok ang kaniyang tulรข sa 2020 international anthology na A Thousand Cranes. Si Pacheco ay nagsisilbi rin bilang editor-in-chief ng Hayo, ang unang magasing pambata ng Pilipinas na nakatuon sa kamalayan sa HIV/AIDS, na kinilala bรญlang 1st runner-up sa isang pambansang paligsahan. Sa kasalukuyan, siyaรก ay kumukuha ng Bachelor of Arts in Filipino sa Mindanao State University – Lungsod General Santos.
Ang Dramatikong Monologo ay isang anyo ng maikling dula na may iisang karakter na nagtataglay ng malinaw na paglalarawang-tauhan at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Ipinahahayag ng tauhan ang kaniyang karakterisasyon sa isang tukoy na tagapakinig at/o tagapanood.
Ito ay onlayn na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center. (KWF/PIA Caraga)