(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 20 October 2025) At 3:00 AM today, the center of Tropical Storm "RAMIL" was estimated based on all available data at 355 km West Northwest of Dagupan City, Pangasinan or 340 km West of Sinait, Ilocos Sur (17.4°N, 117.3°E), with maximum sustained winds of 65 km/h near the center and gustiness of up to 80 km/h. It is moving Northwestward at 25 km/h. Localized Thunderstorms ang makaapekto sa rehiyon sa Caraga.


Tuesday, April 29, 2025

Pagsasanay sa Sebwano ng mga kawani ng KWF, matagumpay na naidaos

LUNGSOD NG BUTUAN -- Pinangunahan nina Dr. Arthur P. Casanova, Tangapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Gng. Lourdes Hinampas, Punò ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) ang idinaos na seremonya ng pagtatapos ng pagsasanay sa wikang Sebwáno noong Abril 10 sa opisina ng KWF sa Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila.

Labinlimang kawani ng KWF ang nakilahok sa sampung sesyon ng pagsasanay sa wikang Sebwáno na ginanap tuwing Huwebes at Biyernes mula Pebrero–Abril 2025. 

Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga kawani ng KWF sa isasagawang pananaliksik at pangangalap ng datos hinggil sa wikang Bisayá/Binisayâ, at sa iba pang gawaing pananaliksik sa Visayas at Mindanao. 

Inimbitahan si Emil Isaac Conde upang magbahagi ng kaniyang kaalaman sa wikang Sebwáno. Tinuruan ni Conde ang mga kawani ng KWF kung paano makisalamuha gamit ang Sebwáno, kabilang ang paggamit ng ilang karaniwang salita at ekspresyon na mahalaga sa mga simpleng pang-araw-araw na ugnayan.

Malaki ang naitulong ng sampung sesyon ng pagsasanay sa mas malalim na pag-unawa sa ilang mga katangian ng wikang Sebwáno at sa paghahanda ng mga kawani ng KWF sa isasagawang pananaliksik sa Bisayá/Binisayâ ngayong 2025. (KWF/ PIA Caraga)