(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 01 July 2025) At 3:00 AM today, a Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 1,230 km East of Central Luzon (15.3°N, 133.1°E). Southwest Monsoon affecting Visayas, Mindanao, Central Luzon, and Southern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Southwest to West will prevail with slight to slight to moderate seas (0.6 to 1.5 meters).


Monday, 30 September 2024

KWF maglulunsad ng Aklat ng Bayan

Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Setyembre 26, 2024, 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.

KabΓ­lang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren R. Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Y. Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, RenΓ© Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, HonorΓ© de Balzac, tagasalin, Aileen V. Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin B. Yapan.

Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bΓ­lang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maΓ‘aring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na publikasyon@kwf.gov.ph. (KWF/PIA-Caraga)