(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 02 November 2025) Today, November 2, the Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), together with local DRRM offices (LDRRMOs), convened for a Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Scenario Building meeting to address the emerging threat of Tropical Storm 'TINO,' which entered the Philippine Area of Responsibility (PAR) at 5:30 AM. 📍 TS Tino is forecast to make landfall over Eastern Visayas or Caraga between Monday evening (Nov. 3) and Tuesday morning (Nov. 4). Wind Signal No. 1 is now raised over Dinagat Islands, with more signals expected across the region. ⚠️ Possible hazards include: -Flooding -Landslides -Storm surge -Strong winds ✅ The public is strongly advised to: -Take precautionary measures and follow pre-emptive evacuation, if needed; -Prepare emergency kits and evacuation plans; -Stay informed via official sources: DOST-PAGASA, RDRRMC, LDRRMOs, PIA, and other government channels. Let’s stay safe and resilient, Caraga! In view of Tropical Storm Tino, which is currently inside the Philippine Area of Responsibility (PAR) and may affect the province of Agusan del Norte by tomorrow morning, the Agusan del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)has recommended the suspension of classes in all levels across the entire province, effective tomorrow, November 3, 2025.


Wednesday, 28 August 2024

Inspirasyon hatid ni Nanay Jen sa mga kabataan ng Sitio Liaonan sa Siargao Island

SURIGAO CITY, Surigao del Norte --  “Hindi po hadlang ang edad kapag gusto nating matupad ang ating pangarap.” 

Ayon kay Jeneveb “Nanay Jen” Abanzado, 38 na taong gulang, na muling bumalik sa pag-aaral upang maging guro at naggnanais na matiyak na makakakuha ng edukasyon ang lahat ng bata, lalo na sa Sitio Liaonan, Del Carmen, Siargao Island sa probinsya ng Surigao del Norte.

Kung dati ay hinahatid at sinusundo niya lang ang mga bata gamit ang isang bangka mula sa kanilang isla patungo sa paaralan, ngayon ay kasama na sa pumapasok si Nanay Jen na kasalukuyang isang graduating Grade 12 learner ng Del Carmen National High School Caub Extension. 

"Nag-enroll po uli ako para po sa lahat ng mga kabataan [lalo na sa aming Sitio] at lalong-lalo na po sa taong may edad na na gusto pa ring bumalik sa pag-aaral,” ayon kay Nanay Jen.  

“Napakalaking epekto po nito sa akin dahil nadagdagan po ang aking kaalaman at nakakahikayat po ako ng mga tao na mag-aral muli. At makapagpatuloy na ako sa pagtuturo dahil wala ng nagsasabi na baliw ako at unti-unti matutupad ko ang aking pangarap,” dagdag pa niya. 

Noong 2012, bagamat hindi pa nakatapos ng pag-aaral, sinimulan niya ang “Silid-Aralan ni Nanay Jen” sa kaniyang tahanan upang maghatid ng kaalaman sa kaniyang komunidad.  

“Ang una kong tinuro sa kanila ay paano ba mangarap at ano ang gagawin upang matupad ang pangarap,” wika ni Nanay Jen. Kwento ni May Shiela Agad, isang school head, maganda ang naidulot ng pagiging inang guro ni Nanay Jen at ng kanyang inisiyatiba dahil mas marami ng kabataan mula sa sitio ang nagpatuloy sa pag-aaral at nahihikayat din ang mga may edad na muling matuto. “Napakalaking tulong sa paaralan kung may kagaya ni Nanay Jen kasi pinagaan ang mga dapat sana namin na gawin like mag-follow-up sa mga bata na nakatira sa sitio,” dagdag ni Agad.  

Patuloy na pinatutunayan ni Nanay Jen hindi lamang ang kanyang pagmamahal sa pagtuturo kundi ang kanyang pagkauhaw sa pagkatuto nang pinili niyang sa isang regular school makapagtapos ng senior high. (DepEd-Philippines/PIA-Surigao del Norte)